Una sa Balita

NKTI bubuhusan ng pondo

0 255

DARATING ang panahon na hindi na kakailanganin ng mga Pilipino na pumunta ng abroad at gumastos ng mahal para lamang sa liver transplant, dahil bubuhusan na ng pondo ng pamahalaan ang pagbili ng mga kagamitan at maging training ng mga doktor sa ibang bansa para sa liver transplant operation.

Ito ang inihayag ni Sen. Christopher­ Lawrence ‘Bong’ Go matapos niyang imungkahi kay Pangulong Rodrigo Duterte ang short-term at long-term na solusyon ukol sa problema sa mahal na liver transplant sa bansa.

Sa ngayon, ang liver transplant operation ay mas mahal ng halos tatlong beses sa P1.2M halaga ng naturang operasyon sa India.

Ani Go, ang short-term solution ay ang pagbuo ng consortium sa pagitan ng Office of the President (OP), Department of Health (DOH), Philippine Children’s Medical Center (PCMC) at The Medical City (TMC).

Sa ilalim ng consortium, nasa P3.6M ang ilalaan sa bawat benepisyaryo, P2.9M ay bayad sa operasyon sa TMC habang ang natitirang halaga ay ibabayad naman sa pre-operation at post-operation care sa PCMC.

Ang long-term solution naman ay ang pagbili ng mga makabagong kagamitan para pagandahin at gawing advance ang pasilidad ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI).

Dagdag ni Go, gagastos ang pamahalaan ng P58.1 million para sa pagbili ng mga makabagong kagamitan sa NKTI habang P1.3 million naman para sa 12 batch ng mga espesiyilista na magsasanay ng isa hanggang dalawang buwan sa Taiwan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More