Una sa Balita

‘Niyugyugan Festival 2019’ aarangkada na

0 384

Aarangkada na ang ‘Niyugyugan Festival 2019’ sa darating na Agosto 16-26 sa lalawigan ng Lucena City, Quezon.

Nabatid na isinasa­pinal na ng provincial go­vernment sa pamamagitan ng Provincial Tou­rism Office ang festival na inor­ganisa ng komite pinamunuan ni Administrator Roberto Gajo.

Nabatid sa Department of Tourism, ang ‘Niyugyugan Festival 2019’, na tinawag na isang halimbawa ng sustainable tourism program.

Ang magaganap na event ay tinawag na ‘mother of all festivals’ kung saan ito ay isang showcase ng panguna­hing agricultural pro­duct, kung paano ang niyog ay tinawag na ‘tree of life’, at kung papaano na ang ‘super crop’ ay nakaimpluwensiya sa kakaibang pag-uugali ng mga tao sa lalawigan at sa kanilang kultura.

Tampok sa 10 araw na festival ang art booths, agri-trade fair, product displays, at ang crowd-drawing street parade at dancing sa provincial capitol compound. Nalaman na una nang sinabi ng Provincial Planning and Development Committee (PPDC) na pagtutuunan nila ang paggawa ng mga estratehiya sa tu­rismo sa mga 39 na bayan at dala­wang siyudad sa lalawigan ngayon taon.

Sinabi ni PPDC head Maria Odessa Perez na ang Quezon ay isa sa pinakamalaking lalawigan sa bansa at isang coconut capital pro­vince. Kaya gagawa sila ng mga programa na mag-a­angat sa turismo ng lalawigan. (Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy