Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Niyabang lisensya sa ibang bansa, rider timbog

0 177

HINDI umubra ang tikas at yabang ng isang lalaki nang ipamukha sa awtoridad ang kanyang California Driver’s license matapos damputin sa Tanza, Cavite, Lunes ng hapon.

Kasong Unjust Vexation ang kinakaharap ni Jasper Mintu Laguardia, ng Brgy Calibuyo, Tanza dahil sa reklamo ni Corporal Sherlie Chavez, nakatalaga sa Tanza Police Station.

Sa ulat ni Pat. John Paul Cruz, ng Tanza MPS, pinara ni Chavez ang suspek dahil sa hindi pagsusuot ng helmet habang nakamotorsiklo.

Nang isyuhan siya ng citation ticket at hanapan ng driver’s license, nagalit si Laguardia at ipinamukha ang kanyang Califiornia Driver’s License.

Nang sabihan siya ni Chavez na walang bisa ang kanyang lisensiya, lalong nagalit ang rider at nang-insulto kaya inaresto. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.