Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Nissan tigil operasyon sa ‘Pinas

0 234

APEKTADO ang 133 manggagawa sa pagsasara ng planta ng Nissan, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI) kahapon.

Ayon sa DTI, ipinabatid ng Nissan na ititigil na nito ang assembly ng Almera sa bansa alinsunod sa plano ng car company na gawing mas sulit ang mga operasyon nito sa Association of Southeast Asian Nations.

“The announcement of Nissan to close their assembly operations in the country is regrettable, as these developments all the more demonstrate the critical situation of the local motor vehicle industry,” sabi ni DTI Secretary Ramon Lopez.

Aniya, mas kinakailangan na ang provisional safeguard measures sa automotive industry para mapangalagaan ang lokal na industriya.

Sabi ng DTI, siniguro ito ng Nissan na babayaran ng sapat ang mga mawawalan ng trabaho sa planta at hindi naman mawawalan ang mga nasa marketing at distribution dahil tuloy pa rin ang pagbenta ng imported na units galing Thailand at Japan.

Ayon sa DTI, nauna nang magsara ang planta ng Honda at Isuzu.

Paliwang ng DTI nasa 4,500 ang benta ng Nissan Almera sa bansa at 1% lamang ito ng kabuuang merkado.
Taong 2011 nang ilunsad ang Nissan Almera sa Pilipinas.

Gayunman ay inamin ng DTI na hindi ito nagulat sa pagsasara ng planta ng Nissan dahil nag-uusap na sila nakaraang taon pa at sinabi nitong pinag-iisipan nitong isara ang planta dahil mahina ang benta ng Almera.

“The stoppage of Almera’s assembly operations, following closely that of Honda and Isuzu, only highlights that the local auto assembly industry is critically impacted by the surge in imports and will thus benefit from the time-bound safeguard duty,” sabi ni Lopez.

Inuupahan ng Nissan ang manufacturing faci­lity nito na pag-aari ng Taiwanese company na Yulon Group.

Umaasa si Lopez na maari pang magamit ang planta ng Nissan at Honda kung may pumasok ulit sa industriya sa sandaling gumanda na ang merkado sa bansa. (Eileen Mencias)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.