Una sa Balita

Nisperos, Ateneo isang panalo na lang sa bronze

0 261

Humarabas ng career-high 35 points si Ateneo rookie Faith Nisperos upang talunin ang DLSU-CSB Lady Blazers, 22-25, 25-16, 22-25, 26-24, 15-11, at kunin ang 1-0 bentahe sa battle-for third ng 3rd PVL Collegiate Conference 2019 sa FilOil Flying V Centre.

Hataw ng 29 attacks, 2 blocks at 4 service aces si Nisperos upang makauna sa best-of-three series sa bronze.

Katuwang ni Nisperos sina Pauline Marie Gaston at Joan Decemary Narit na may tig-10 points para salyahin ang Lady Blazers.

May 16 excellent digs naman si Dani Ravena habang may 33 excellent sets si Janel Maraguinot.

Hindi naman umubra ang ginawang 23 points ni Klarisa Abriam para sa Blazers. (Aivan U. Episcope)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy