Una sa Balita

Nisperos, Ateneo dinagit ang Letran

0 257

DINAGIT ng Ateneo Lady Eagles ang unang panalo sa pagsambulat ng 3rd Premier Volleyball League Collegiate Conference kahapon sa FilOil Flying V Centre kontra Colegio de San Juan de Letran, 25-16, 22-25, 25-13, 25-25.

Kinarga ni Janine Nisperos ang ADMU matapos gumawa ng 17 points sa unang set para sa total 19 points. Tinulungan naman ito ni Vanessa Gandler na may sariling 15 markers­ ­para kunin ang 1-0 record ng Ateneo.

Sa unang laro, pinatumba ng College of St. Benilde ang Far Eastern University, 28-26, 25-22, 25-17.

Pinangunahan ni Klarissa Abriam ang Lady Blazers sa pagkulekta ng 13 puntos habang si Chelsea Umali ay nag-ambag pa ng 10 points.

Samantala, winalis din ng Adamson University ang San Beda, 25-18, 25-22, at 25-16.

Sandata ng Lady Falcons ang rookie na si Louie Romero na kinahangaan ng mga fan sa Twitter.

Sabi ni @its_janra, “ang strong captain @LouieeeRomero !!! Too strong for a rookie! Congrats Adamson Lady Falcons #PVLCollegiateConference.” (Aivan Episcope)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy