Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Niratrat na lider-magsasaka sa Bukidnon pinasisiyasat

0 19

Naghain ng resolusyon ang mga miyembro ng Makabayan bloc upang paimbestigahan sa Kamara de Representantes ang pagpaslang sa lider-magsasaka na si Veneranda Ginanao sa Maramag, Bukidnon.

Si Ginanao, lider ng Amihan National Federation of Peasant Women ay nasawi matapos pagbabarilin ang kanyang bahay noong Agosto 19. Nasugatan din ang kanyang anak sa insidente.

Ayon sa House Resolution 2197, si Ginanao ang ika-45 na lider magsasaka na pinaslang sa ilalim ng Duterte administration.

Ang kanyang mister na si Ricardo ay miyembro naman ng KASAMA Bukidnon, ang provincial chapter ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas at kaalyado ng Anakpawis party-list.

“Whereas, the couple is also members of the Buffalo-Tamaraw-Limus (BTL) or the peasant group asserting their rights on agricultural lands claimed by the Central Mindanao University (CMU),” saad ng resolusyon.

Hiniling ng mga mambabatas sa House Committee on Human Rights na agad magsagawa ng imbestigasyon. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.