Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ninobla, Reyes Top 4 sa mundo

0 214

NAKASAMA sa Top 4 jin sa inilabas na Enero 2022 rankings ng International World Taekwondo ang dalawang Pinoy SEA Games poomsae champions na sina Jocel Lyn Ninobla at Rodolfo Reyes, Jr.

Tumalon mula sa ika-12 puwesto tungo sa pangatlo na ngayon sa mundo si Ninobla na may kabuuang 53.36 puntos, kasunod kay No.1 Eva Sandersen ng Denmark at ikalawa na si Paula Fregoso ng Mexico.

Umakyat naman ng 77 hakbang tungo sa No.4 spot ang SEA Games double gold medalist na si Reyes.

Huling sumabak sa torneo ang dalawang Pinoy jin sa ginanap na Online 2021 World Taekwondo Open Challenge Finals, kung saan kasama itong nag-uwi ng maraming medalya ang ilang miyembro ng national pool.

Kabilang din sa rankings sina Rinna Babanto (262nd), Aidaine Krishia Laxa (328th) at Patrick King Perez (289th). (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.