Una sa Balita

Niloloko ng karelasyong transman

0 636

Dear Dra Holmes:

My partner of 5 years and I are both OB GYNs, I am 39, he (a transman) is 40.

I helped “A” pass his fellowship exam. I was already a fellow, with subspecialty. Once certified, he started his practice in his hometown. His pa­rents and all in his hometown know about us; my parents do not.

I handle all finances, pay the bills, like a wife would. 2 years ago, A became distant, short tempered and harsh. I kept asking what was wrong but he always said “it’s the testosterone.”

I discovered his affair with Janine, a nurse. Janine told me A planned to wait until his completion surgery before breaking things off. I heard it myself on loudspeaker.

A blurted out he loves, and cannot afford to lose, me. Because I love him, I agreed to try again.

My problem: A loves the girl more than me. He did everything Janine asked, including not ha­ving sex with me.

He never said sorry, still treats me harshly, is very distant.. what should I do? – Rebecca

Dear Rebecca:

Maraming salamat sa sulat mo. Sinulat mo na si A ay isang transman (napanganak bilang babae, pero lalake siya talaga sa lahat, maliban sa kanyang katawan.) ‘Yan ang dahilan na ikaw, babae, at siya, transman ay mag-partner. ‘Yan rin ang dahilan kung papaano siya naka-affair kay Janine. Walang nag-iisip na lesbian sila dahil para sa kanilang 3, ikaw, Rebecca, at si Janine ay babae at si A ay lalake.

Eto kaya ang dahilan na nangaliwa siya? Dahil sa ‘Pinas,ang mga lalake ang mas tinatanggap na­ting mangaliwa kaysa sa mga babae, ‘di ba Rebecca?
Hindi ko alam kung ‘yan lang ang dahilan na bigla siyang nangliwa pagkatapos ng 3 taon na magkasama kayo. Mayroon kasing mga lalakeng ganito, at kasama na ang cisgender at transman, na ganito ang isip.

Bago tayo magpatuloy, ang kahulugan ng cisgender ay isang tao na may pinanganak, biologi­cally bilang babae (o lalake) at hanggang nga­yon ay isip pa rin nila na sila ay babae (o lalake).

May mga lalake kasi na talagang may macho mentality: Papatunayan ko na tunay na lalake ako: magbubuntis ako ng maraming mga babae, magkakaroon ako ng maraming mag anak, mangangaliwa ako at magiging taksil sa aking asawa sa pamamagitang ng pagkakaroon ng maraming girlfriend.

To be continued…

Si Dra Holmes ay nagsusulat sa Abante tuwing Lunes, Miyerkoles at Biyernes. Sulatan siya sa Facebook: http://www.facebook.com/drmargieholmes o sa abantewb@gmail.com

***

Magpakonsulta ng libre sa tanyag na psychologist na si Dra. Margie ng personal at maging guest sa kaniyang talkshow na i-eere sa aming facebook at youtube accounts! Magpasa ng sulat na naglalaman ng ilan sa iyong hinaing tungkol sa relasyon at sex life, sa aming email: abante.walangbolahan@gmail .com