Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘Niloko nila ako!’ Joem, Meryl niresbakan ni Crisha

0 352

Minsan pa or posibleng last time na i-addressed ng vlogger na si Crisha Uy, ang ex-girlfriend ng actor na si Joem Bascon ang nangyari sa relasyon nila.

Simula raw kasi nang mag-come-out na nagkabalikan at ngayon nga ay may anak na sina Joem at Meryl Soriano, napakaraming nagta-tag, nagko-comment at nagbibigay ng iba’t ibang assumption kay Crisha. Kaya nag-vlog na ito para sagutin ang mga comments kanya.

“Kinakabahan ako,” simula niya.

“Siyempre, my ex and I have the same set of friends. Sa loob ng 8 years relationship namin, nakabuo kami ng friendship.

“Masaya ako, I’m glad to know na totoo ko silang kaibigan. You know, real friends will be there for you no matter what and will not let you live not knowing the truth. Kaya thankful ako sa kanila and sa mga ina-update ako kahit hindi ko naman hinihingi.”

Kaya hindi pa man daw open sina Joem at Meryl na sila na nga at buntis ang huli noon, alam na niya. Pero sey nito, iba raw pala kapag nakita na niya mismo ang “ebidensiya.”

“Yes, I know their relationship and they have bundle of joy. Noon pa, even before pa ma-upload ang mga pictures. So, let’s proceed and move-on na sa mga comments.”

Sey pa niya, “When I was reading the article, ang naramdaman ko that day, nagalit ako. Nagalit ako kasi, bumalik yung feelings ko na I was betrayed all over again. Iba pala yung feeling na nakita mo versus kinuwento or chinika lang sa ‘yo. Parang feeling ko kasi, parang kailangan kong ilabas ang naramdaman ko that day, yung galit ko o sakit ko o ano man naramdaman ko that day. Hindi dahil sa mahal ko pa siya, hindi. Kasi, naka-move-on na ko.

“Ano lang, yung na-confirmed ko na nagsinungaling talaga siya. Kasi, I gave them the benefit of the doubt before. Pero nasampal ka na sa mukha nang makita ko yun. Sampal sa mukha na tama pala ang hinala ko.”

Sinagot din ni Crisha yung tanong kung bakit for 8 years ng relasyon nila ni Joem, hindi sila nagka-baby. Kasi raw, wala pa talaga sa plano nila yun noon at plan nga nila na magpakasal na sana at saka magpa-family.

Pero nagpapasalamat daw siya and that sey niya, “God is good” na hindi nangyari dahil obviously, they’re not meant to be.

At nagbigay rin ito ng payo sa lahat na sana raw maging honest. Hindi kapag nanliligaw lang. Kapag in-love. Kahit daw kapag nakikipag-break, maging honest sa kung ano talaga ang totoong dahilan o nangyayari.

***

Mrs. Morada naisahan ni Mommy Pinty

Magkasama sa bahay pero mukhang walang kaideya-ideya si Alex Gonzaga na parody account o hindi totoong Twitter account ng kanyang Mommy Pinty ang nag tweet at the same time, nireplayan niya rin ng bonggang-bongga.

May-tweet kasi ang Mommy Pinty account na ayon naman sa ina ni Alex, hindi siya at wala raw siyang Twitter nang, “Congrats to my bunso! Pwede na maputokan.”

Ang ibig sabihin ng tweet, pwede na silang magsama sa kama dahil umamin na nga si Alex na Mrs. Mikee Morada na siya, eh kinasal na siya noong November pa sa mismong bahay nila.

Sinagot pa ito ni Alex nang, “Anong pwede na? Tapos na!”

Ini-IG story pa ito ni Alex saka humirit pa nang, “Hahahaha akala mo aatras ako ha. Approve na nga totoong Tipints!”

At ending, idinenay ni Mommy Pinty na siya yun at hindi rin daw nito kilala kung sino man yun.

***

Sunshine pangarap idirek sina Iza, Karylle, Diana

Matagal nang nakapagdirek ang actress na si Sunshine Dizon. Pero tumigil siya rito at mukhang ngayon, bumalik na naman ang interes niya sa likod ng camera.

Si Sunshine ang isa sa director ng bagong project ng Sanggre Incorporation, ang binuo nilang production ng mga original Sanggre ng Encantadia na sina Diana Zubiri, Karylle at Iza Calzado kasama rin si Direk Mark Reyes.

Base sa mga pa-hashtag ni Sunshine, tila ang title ng dinidirek na project ay “Brody and Brandy” na mapapanood sa @wetvphilippines.

Suportado si Sunshine ng mga kaibigan pero mukhang sa dinidirek ngayon, hindi pa silang tatlo ang mga artista niya dahil sey niya, yun daw ang pangarap niya, ang maidirek daw na magkakasama ang tatlong kaibigan.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.