Una sa Balita

Nilagnat, nabingi nang mabuksan ang third eye

0 182

Mga ka-Misteryo, nabuksan na ba ang ­inyong third eye? Kung hindi pa… ‘wag kayong magmadali dahil hindi ganoon kadali at hindi birong bukas ang third eye.

‘Yan ang ating paksa ngayon: “Basta may Misteryo Alamin ang Totoo.”

Si Mario ng Japan ay nagtapat sa #Misteryo ng kanyang mga unang karanasan pagkatapos mabuksan ang kanyang third eye.

Misteryo: “Anong mga karanasan mo? Malakas ba talaga ‘yung pakiramdam mo? ‘Yung pagbukas lang ba ng third eye ang sanhi talaga nito?”

Mario: “Oo ngayon lang ito nangyari sa akin mula nang mabuksan ako.

Misteryo: “Ano ‘yung sinasabi mong nilalagnat ka at nabibingi ka?”

Mario: “Ganito ‘yun, ‘pag umupo ako sa iniwanang silya, ay bigla ko nararamdaman ang emosyon o anumang problema sa katawan, puso at isipan ng tao. ‘Yun bang pinagpapawisan ako nang malapot at malamig.

Nakakaramdam din ako ng panlalambot ng katawan tapos biglang lakas sa pangkaraniwan ang pandinig ko.”

Misteryo: “Anong ginawa mo? Sumangguni ka ba sa eksperto? Sana binalikan mo ‘yung nagturo sa inyo para napa­yuhan ka.”

Mario: ‘Yun nga ginawa ko at pinayuhan akong maglagay ng kulay-puting enerhiya sa palibot ng aking katawan.”

Misteryo: “Baka ‘yun ang tinatawag na energy shielding. Hindi ito nakikita ng pisikal na mga mata pero ‘pag ginawa ang shielding ay isipin na totoong nabalot nito ang katawan at hindi nga ito basta mapapasok ng ibang enerhiya.”

Mario: “Ganu’n nga pero may suhes­tyun din na magsuot ng St. Bene­dict Medal siyempre sinunod ko ‘yun hanggang sa unti-unti ko nang nakokontrol pati ang ­biglang lakas ng ­pandinig ko.”

Misteryo: “Ano naman ang ginawa mo sa malakas na pandinig na ‘yun?”
Mario: “Wala, hinayaan ko lang hanggang sa unti-unting nawala at nakontrol ko na ang ­aking pandinig.”

Misteryo: “Pagkatapos nu’n wala ka na bang napansin sa katawan mo? Baka naman nagawa mo nang magpagalaw ng anumang bagay sa paligid mo?”
Mario: “Naku ina­asam ko din ‘yan pero ayaw kong madaliin dahil mukhang mahirap gawin marahil sa unti-unting pagsasanay sa isip. ‘Ika nga ‘mind is very ­powerful.’”

Ang karanasan ni Mario ay katulad din ng karanasan ng iba na nagkaroon ng adjustment sa psychic ability pero ma­tindi lang ang unang bigwas ng pagbabago sa pakiramdam at pandinig. Ang ‘di makontrol na biglang lakas ng pakiramdam at pandinig ay pansamantala sa karamihan bagaman ang iba ay kaya itong paganahin kung gusto at ­kinakailangan.

Para sa inyong mga kuwentong karanasan, mag-email sa TeamMisteryo2019@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at abante.com.ph.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More