Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Nigerian todas sa buy-bust

0 81

Patay ang isang Nigerian national na umano’y miyembro ng West African Drug Syndicate (WADS) matapos magkainitan sa bentahan ng droga sa ikinasang buy-bust operation sa isang motel sa Pasig City, kamakalawa.

Ayon sa Eastern Police District (EPD), nakilala ang nasawing suspek na si Emmanuel Christopher Chukwuma, residente ng Plaridel 2 Subdivision, 2nd St., Angeles City, Pampanga.

Ikinasa ang operasyon alas-5:30 Lunes ng hapon sa silid ng isang hotel sa lungsod, matapos makatanggap ng tip ang mga awtoridad hinggil sa iligal na transaksyon ng suspek sa lugar.

Nauwi sa putukan ang buy-bust na kung saan nasawi ang suspek. (Vick Aquno)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.