Una sa Balita

Nigerian tinawag na ‘most beautiful girl in the world’

By
0 777

Nag-viral ang isang photo ng 5-year-old Nigerian girl na tinatawag na ngayon na ‘the world’s most beautiful girl’.

Ang pangalan ng batang babae ay Jare Ijalana at pinost ang photo niya ng mismong photographer na si Mofe Bamuyiwa sa Instagram at Twitter.

Pinagkaguluhan ang naturang photo at tinatanong kung manika ba si Jare o totoong bata? Ang ganda raw kasi ng mga mata nito pati na ang kanyang kutis. Pati raw ang kinky hair nito ay parang buhok ng isang baby doll.

Heto ang sagot ni Mofe:

“Oh yes she’s human ! She’s also an angel ! “J A R E”

“I want to portray the interception between her childhood and adulthood so both stay timeless! I could have made her smile and make her laugh out loud but I put her in their natural moments for us to see through their eyes!

“Posing them as adults ! Was my trick to create it a timeless portrait!

“J A R E , when you clock 21 remember to do same pose and style.”

Isang lifestyle photographer si Mofe at gusto na niyang gawin ay ang child portraiture. Nakatanggap siya ng maraming papuri sa mga netizen dahil sa mga kuha niya kay Jare. Kabilang na sa mga comment ay “doll-like,” “true work of art” and “absolutely stunning.”

Ang tatlong portrait niya kay Jare ay nakakuha ng 50,000 likes collectively at dagsa pa rin ang pagdating ng mga comment.