Una sa Balita

Nievarez bagito pero nagpabibo

0 285

INSPIRASYON ni Cris Nievarez ang kanyang pamilya, sinandalan niya ito upang humugot ng lakas pagdating ng laban.

Hindi naman nabigo ang pambato ng Quezon na si Nievarez naghari ito sa men’s lightweight single sculls para ibigay sa Pilipinas ang unang ginto sa rowing competition sa 30th SEA Games kahapon.

“I didn’t expect to win the gold but the Lord guided me to victory. I am also motivated by my desire to help my family,” masayang sabi ni 19-year-old Nievarez na nirehistro ang pitong minuto at 34 segundo.

Inungusan ni Nievarez, nakatira sa seaside town ng Atimonan, Quezon si Siripong Chaiwichitchonkul ng Thailand (7:35).

Nakopo ni Chaiwichitchonkul ang silver habang bronze medal ang inangkin ni Kakan Kusmana.

First-timer sa nasabing biennial Games, sinabi ni Nievarez na gagamitin niya ang financial incentives sa pagtulong sa kanyang ina at mga kapatid.

“I am the only one who works for our family,” hayag ni Nievarez. “This is the motivation that gave me the strength to excel.” (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More