Una sa Balita

Nietes nabanas sa WBO

By
0 536

Maraming boxing fans ang nagulat sa biglaang desisyon ni four-division champion Donnie “Ahas” Nietes na bakantehin ang kanyang World Boxing Organization (WBO) super flyweiight title.

Para kay Nietes, mahirap ang naging desisyon niya pero kaila­ngang gawin dahil gusto niyang makakuha ng malaking laban bago man lang siya magretiro.

Yes, aakyat siya at ha­hanap ng malaking laban sa 115-lb division para na rin sa kanyang hinaharap.

Ginawa ng 37 year-old na si Nietes ang pagpapakawala sa kanyang korona matapos na ipasya ng WBO na magsagawa ng mandatory defense sa kababayan at kapwa Piliino na si Aston Palicte.

Sinabi ni Nietes, may record na 42-1-5 na may 23 KOs, pakiramdam niya wala nang saysay na muling harapin si Palicte dahil wala na siyang dapat pang patunayan.

Nang nakaraang taon, nagharap ang dalawa para sa titulo ng WBO super flyweight na nagwakas sa draw.

Sumunod na laban ni Nietes ay kontra kay Kazuto Ioka ng Japan na tinalo niya bago magbagong taon nang nakaraang taon.

Nagtakda naman ng title eliminator ang WBO tampok si Palicte at Puerto Rican Jose Martinez na pinagwagihan ng Pinoy boxer nito lamang nakaraang buwan.

Kaya nga kung ating hihimayin, may kulay ang naging desisyon ni Nietes.

Halatang nabuwisit ang boksingero mula sa Murcia sa ginawa ng WBO kaya minabuti niya na bakantehin na lamang ang korona at humanap ng laban sa mas mataas na division.

Gusto ni Nietes na subukan ang kanyang husay kontra kay Srisaket Sor Ringbisai ng Thailand, Juan Francisco Estrada ng Mexico o kahit na sinong boxer na malaking pangalan sa 115 lbs.

Magsasagupa sina Estrada at Rungvisai sa susunod na buwan at ang mananalo sa dalawa ang siya naman niyang haharapin sa ibabaw ng ring.
Harinawa na maging matagumpay si Nietes sa bagong dibisyon na kanyang lalaruan.
Good luck bai!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy