Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Nietes hindi uso pahinga

0 34

MAINIT pa sa kamay ni Donnie Nietes ang World Boxing Organization (WBO) International super flyweight belt na nahablot nito noong Linggo ay may mga paghahamon na agad siyang natatanggap.

Pinagulong ni 38-year-old Nietes si Colombian pug Pablo Carrillo sa kanyang comeback fight na ginanap sa Dubai, United Arab Emirates.

Dahil sa tagal na natengga sa laban ay mas lalong naging agresibo sa laban si Negros Occidental native Nietes at nais na agad nitong sumabak sa mas malalaking laban.

SM food to go Banner Ad

Target ni Nietes na makaharap ang ibang tigasing boksingero para maibalik ang dating kasikatan.

Inamin ni Nietes na may natatanggap itong offer pero ayaw niya muna itong isiwalat kung sino ang susunod niyang makakabugbugan.

Kaya naman tiyak na masusundan agad ang kanyang panalo bago magtapos ang 2021. (Elech Dawa)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.