Una sa Balita

Niemer lumagare, Petron balik finals

0 254

HINDI na nagpaligoy-ligoy ang defending champion Petron Blaze Spikers matapos nilang patalsikin ang Cignal HD Spikers 23-25, 25-17, 25-16, 25-21 sa Game 2 kagabi ng Philippine Superliga (PSL) Grand Prix best-of-three semifinals sa Flying V Centre-San Juan.

Tulad nang nangyari sa Game 1, bumangis ang Blaze Spikers nang masugatan sa set 1, kaya sinagasaan nila ang tatlong natitirang frames upang sumampa na sa championship round.

Kumayod si import Stephanie Niemer ng 25 points para akayin ang Petron sa finals, makakaharap nila ang mananalo sa pagitan ng last year’s runner-up F2 Logistics at PLDT Fibr Power Hitters.

Nagpakitang gilas si Niemer sa set two matapos nitong blangkahin ng tatlong sunod si HD Spi-kers reinforcement Anastasia Artemeva kaya naitabla nila ang laban sa 1-1.

Ginanahan ang Blaze Spi¬kers sa set three at four kaya madali nilang nakuha ang panalo sa event na suportado ng Asics, Mueller, Mikasa, Senoh, Team Rebel Sports, Bizooku, UCPB Gen, Cocolife, Hotel Sogo at Data Pro¬ject. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy