Una sa Balita

Niemer, Bell, Petron niratsada ang Generika

By
0 218

MULING ipinaramdam ng defending champion Petron Blaze Spikers ang kanilang lakas matapos walisin sa tatlong sets ang Generika-Ayala Lifesa­vers 25-23, 25-13, 25-21 kahapon sa 2019 Philippine Superliga Grand Prix sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Kinapitan ng Blaze Spikers sina Imports Stephanie Niemer at Kathe­rine Bell upang ilista ang malinis na 12 panalo at siguruhin ang pakopo sa top spot pagkatapos ng double round robin preliminaries.

Tumikada si Niemer ng 19 points at 13 digs habang nagtala si Bell ng 12 markers kasama ang malutong na backrow hit para sa game-winner.

Tumipa si Mika Reyes ng 14 pts mula sa 11 kills at tatlong service aces same event na suportado ng Asics, Mueller, Mikasa, Senoh, Team Rebel Sports, Bizooku, UCPB Gen, Cocolife, Hotel Sogo at Data Project.

Inamin ni Petron head coach Shaq Delos Santos na kahit tinapos nila sa tatlong sets ay binigyan sila ng Lifesavers ng magandang laban.

“Generika played really well,” saad ni Delos Santos, “They are willing to take ever set and they made us struggle with our passing.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy