Una sa Balita

Niemer, Bell, Blaze Spikers kinaliskisan ang Creamline

By
0 448

NAGKALISKISAN sa pamamagitan ng tune-up game ang dala­wang volleyball champions ng Philippine Superliga (PSL) na Petron Blaze Spikers at Premiere Volleyball League (PVL) na Creamline Cool Smashers noong Martes sa Gatorade Hoops Center.

Nasubukan ang husay ng dalawang kampeon nang magkaibang liga kasama ang kanilang mga import.

Nanguna para sa Petron sina American imports Stephanie Niemer at Katherine Bell at mga local player na sina Mika Reyes, Rhea Dimaculangan, Aiza Maizo-Pontillas at Denden Lazaro.

Para naman sa Creamline, present si multi-awarded Alyssa Valdez, Michelle Gumabao, Jia Morado, Risa Sato at mga import na sina Kuttika Kaewpin at Aleoscar Blanco.
Wagi ang Blaze Spikers sa 4-set match.

Sa tweet ni Alan Acero, regional sales ng Rebisco, manufacturer ng Creamline, nagpasalamat ito sa mainit na pagsalubong ng Petron.

“Thank you for welcoming the @CoolSmashers to your home, #PetronBlazeSpikers. It was an honor sharing the court with the PSL champs! Let’s do this again soon.

Best wishes on your semis and finals matches #FearTheGas# CreamlineGoodVibes”

Kasalukuyan pa ring nagpapatuloy ang PSL Grand Prix 2019 at naghahanda na rito ang Blaze Spiker para sa semifinals match kontra Cignal HD Spikers.

Samantala, sisimulan naman sa susunod na buwan ang PVL Reinforced Conference 2019.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy