Una sa Balita

Nicole past time ni Atong – Gretchen

0 2,155

Nasa San Francisco, USA ngayon si Gretchen Barretto (para bisitahin ang anak na si Dominique Cojuangco), pero hindi dahilan ‘yon pata tumigil siya sa mga pasabog, resibo, pruweba, sa sinasabi niyang si Marjorie Barretto talaga ang ugat ng lahat ng gulo na nangyari sa burol ng kanilang ama na si Mr. Miguel Barretto kamakailan.

Ni-repost nga niya ang video na makikita si Marjorie na nasa kabilang side ng kinalulugaran nina Gretchen, Mommy Inday at Pres. Rodrigo Duterte.

“Watch carefully Marjorie & Nicole is the one beside her. The day of the wake.

“Watch EX MAYOR ECHIVERRI, feeling part of the Barretto family. Watch Marj itch-very Fuming mad 😡 the relatives were trying to calm her from her insanity 😡 now you KNOW WHY I DID NOT GO TO VISIT MY DAD IN HIS LAST DAYS. (Marjorie will have an outburst in the ICU,” sabi ni Gretchen sa video na kung saan ay makikita nga sa isang sulok ng kamera na parang galit na galit si Marjorie na may itinuturong isang tao.

“Dumating lang ang tunay na Reyna, na-threatened cla hahahaha!” IG story ni Greta na ni-repost nga niya sa IG niya.

Sa Instagram story ni Gretchen ay sunod-sunod pa rin ang mga post niya tungkol sa kinasasangkutang kontrobersiya.

“It’s time to change from Barretto to Baldivia, Julia. Ang bait mo ngayon kung kay @dennisastig ka lumaki!” hirit ni Greta para sa pamangkin niyang si Julia.

Kasunod na IG story niya ay photo ni Atong Ang na kasama naman ang pamilya nito.

“Here is Mr. Atong & Mrs. Iris Ang & family. This family happens to be our family too.

“We will protect our happy life Nicole.

“We love each other dearly,” saad ni Gretchen na para naman sa isa pa niyang pamangkin/kaaway na si Nicole.

At heto pa ang ayaw paawat na patutsada ni Gretchen kay Nicole.

“There’s a difference between a girlfriend & merely (past time). Na nilalako ng nanay.

“A true Barretto will never chase a man Nicole.

“You must be a Ramos. Your mother’s daughter, who chased JJ, my Brother.”

“You mother & your services fired over 4 years ago.

“Would you want me to expose the reasons for it or would you care to tell your twisted truth, Nicole Ramos Barretto Magno.”

Dito nga ay parang sinasabi ni Greta na mas marami pa siyang pasasabugin kontra Nicole. Tila naghahamon nga si Gretchen na baka gusto ni Nicole na siya na mismo ang maglahad, maglantad kung bakit siya nawala sa piling ni Atong, dahil kung hindi, mas matindi ang ilalahad ni Greta.

Anyway, kapansin-pansin na puro sa kampo ni Greta nanggagaling ngayon ang mga kuwento, at tila biglang nanahimik, o nabuhusan ng tubig ulan ang nag-uumapoy na galit nina Marjorie, Nicole, ha! (DS)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy