Una sa Balita

Nicole ‘nilako’ ng ina kay Atong — Greta

0 2,743

Patuloy ang pambabasag ni Gretchen Barretto sa mortal enemy niyang si Marjorie Barretto, ha! Sa Instagram story niya ay iniisa-isa niya ang mga post ng mga netizen na may kinalaman sa kanyang ­sisteret.

Nakakaloka lang na pati ang lumang message ni Marjorie sa kanya ay pinost din niya, para ­sirain ang kredibilidad ni ­Marjorie.

Mababasa kasi sa message ni Marjorie ang pagbati sa birthday niya nung March 2011, na kung saan ay sinabi nga nito na;

“Thanks for loving my children like you own. Can’t imagine a life without you. I love you…”

Sabi ni Greta sa message na ‘yon ni Marjorie; “A touching moment to me. Pardon me.”

Parang gusto ngang sabihin ni Greta na parang kailan lang, ganyan ang turing sa kanya ni Marjorie, nu’ng ­panahon na tumutulong siya sa mga ito. At ngayon nga ay ibang-iba na.

Iniisa-isa rin ni Gretchen ang mga conversation, post ni Nicole Barretto tungkol sa isyu nila. Si Nicole nga ang sinasabi na matinding kaaway rin ni Gretchen.

Iginiit ni Gretchen na kakampi niya ang tatay ni Nicole na si JJ Barretto dahil alam daw nito ang katotohanan.

“You father knows the truth as it was told to us by the man she is ­desperate for (Atong). That’s why you wont comment on your dad.”

Heto pa ang sunod-sunod na sagot ni Gretchen sa mga post ni Nicole:
“Don’t try to be Bea Alonzo. She is a true victim.

“I only attacked you to defend myself (you made a mistake by doing so. I am trained to protect myself.”

“You simply are a con artist!”

Heto pa ulit ang iba pang patutsada ni Greta kay Nicole. Tila may kinalaman nga ito sa diumano ay inagaw ni Gretchen kay Nicole si Atong Ang:

“This is between you & your demons. Keep me out of your pathetic state. Move on!”

“Nagwawala ka sa isang lalaking ‘di ka niligawan.

“Atong will make his statements. He can speak for himself.

“Atong is happily married too!” sabi pa ulit ni Greta.

At heto pa ulit ang mas nakakabiglang ­litaniya ni Greta sa kanyang IG story:

“Oh, I’m sorry. I was told that Nicole stole Atong from her Aunt Claudine.”

“I was told by Atong (nilako si Nicole sa akin ng nanay nya)”.

Sa FB post ni Claudine noong June 6, 2014, binanggit nitong “Mr. Atong Ang & the love of his life Nicole Barretto & I with the lovebirds.”

Oh, di ba? Sanga-sanga talaga ang ­kuwento!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy