Una sa Balita

Nicole Cordoves, pro-Clinton, pero si Trump ang pinuri sa beauty contest!

By
0 7

Walang pinagsisisihan ang Miss Grand International 2016 1st runner-up na si Nicole Cordoves sa naging sagot niya sa Q&A portion ng naturang pageant. Binoo nga si Nicole ng audience sa Las Vegas nang piliin niya si Donald Trump kesa kay Hillary Clinton.

Dahil sa sagot niyang iyon, tinawag siya na boldest and bravest contestant.

“I got branded as the cold, brave, smart Binibini ever. The boldest, the bravest. There was even this hashtag, #ConvictionOverAmbition,” sey pa niya.

Pinapili nga raw sila kung sino sa dalawang pre­sidential candidates ng US ang puwedeng makatulong sa pagtigil ng giyera at violence. Dalawa lang daw sila na pumili kay Trump na siyang nanalo ­bilang 45th president ng United States of America.

“I love it, I love how hard it is, I love how it’s ­inappropriate,” sey pa niya.

Pro-Clinton daw talaga si Nicole pero dahil halos lahat ay Clinton ang pinili, kaya si Trump ang pinili niya para maiba siya at makilala siya bilang controversial character.

Winwyn, palaban pa
rin sa beauty contest!

Winwyn Marquez
Winwyn Marquez

Hindi pa raw tuluyang tinatalikuran ni Winwyn Marquez ang kanyang pangarap na maging isang beauty queen.

Sumali sa Winwyn sa Binibining Pilipinas noong 2015, pero nabigo ­siyang manalo ng titulo.

Pero ‘di raw iyon naging dahilan para ‘di niya subukan ulit ang sumali sa beauty contests.

Ayon pa kay Wyn, inspirasyon niya sina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at Miss International 2016 Kylie Verzosa.

“Wala naman talagang masamang umulit. And if you really want to win, if you’re really determined to win, I think manalo, matalo, go,” diin pa ni Winwyn Marquez.