Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Nicole, Arellano dinurog Perpetual

0 75

MABILISANG dinispatsa nina Nicole Victoria Sasuman at defending champion Arellano University (AU) Lady Chiefs ang Perpetual Help Lady Altas, 25-12, 25-13, 25-23 sa unang laro ng 97th National Collegiate Athletic Association (NCAA) women’s volleyball tournament sa Paco Arena kahapon.

Naging mabisa ang kontribusyon ng bawat manlalaro ng Legarda, Sampaloc-based volleyball squad na pinagbidahan ng Davaoena-native na si Sasuman sa nag-iisang double-digit na 10 points mula 9 attacks at 1 block, gayundin ang 3 excellent receptions.

Nag-ambag rin sina Princess Bello ng 9 puntos, Carla Donato na may 8 markers at tig-7 nina Trina Abay at Charmina Dino, na may 7 excellent digs rin, samantalang mabisa rin ang 19 excellent sets ni Kristine Claire Adante. 

Dahil sa panalo, nakamit ng three-peat titlist Arellano  ang kanilang ikaapat na sunod na panalo para sa solo second spot sa 6-1 kartada, habang nalugmok na sa ikawalong puwesto ang Perpetual sa 2-5 marka.

(Gerard Arce)

Leave A Reply

Your email address will not be published.