Una sa Balita

Nicko Falcis ‘kulong’ paglapag sa NAIA

0 882

Ang dapat sana’y masayang pagbabalik sa bansa ni Nicko Falcis, nabahiran pa ng kontrobersiya.

Inaresto diumano si Nicko nang lumapag ito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 galing ng Thailand ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) nitong Huwebes ng umaga. Ayon umano sa NBI, may dalawang outstanding warrant of arrest pa si Nicko kaya’t kinailangan nila itong arestuhin. Ang arrest warrant ay inisyu ng Taguig RTC laban kay Nicko sa mga kasong Estafa at paglabag sa Access Devices Regulation Act.

Nangatwiran umano si Nicko sa mga NBI agent na may compromise agreement na sila ni Kris Aquino sa mga naturang kaso, ngunit ayon sa mga umaresto sa kanya, “When we checked with the court, the warrant had not been recalled and we were informed that he had not appeared in any court for voluntary surrender.”

Nadetine si Nicko sa NBI detention center noong Huwebes ng gabi. Gayunpaman, nag-post ng bail si Nicko sa halagang P66,000 umaga ng Biyernes para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Nilinaw din ng mga umaresto kay Nicko na mag-isa lang umano si Nicko nang siya ay dumating sa NAIA at maaresto.

Ayon naman sa isang taong malapit kay Kris, hindi puwedeng magsalita o magbigay ng statement si Aquino kaugnay nito, dahil maituturing ito na violation sa NDA (non-disclosure agreement) sa settlement nila.

Matatandaang nagkaroon ng gusot sa pagitan nina Falcis at Kris nang matuklasan ng huli na ginagamit umano ni Nicko ang credit card ng kanyang kompanya nang wala siya umanong pahintulot. Si Falcis naman ay nagsampa ng grave threat case laban kay Kris. (Nancy Carvajal/Otto Osorio/Armida Rico/Jun Lopez)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More