Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ni-recruit na 3 tulak sa kulungan na-swak

0 107

SA kulungan bumagsak ang tatlong umano’y mga bagong recruit na tulak ng ilegal na droga nang mabingwit sila sa ikinasang buy-bust operation sa Malabon City kahapon ng umaga.

Sasampahan ng paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek na sina Joemar Damasco, 28-anyos, residente ng Maria Clara St., Sharina Marie Dela Cruz, 33-anyos, ng No. 13 Consuelo St., kapwa ng Brgy. Acasia sa Malabon at Irish Ann Palmario, 45-anyos at residente ng No. 19 Guijo st., Pangarap Village, Brgy. 182, Caloocan City.

Ayon sa Station Drug and Enforcement Unit (SDEU) ng Malabon Police, ikinasa ang buy-bust laban sa mga suspek sa Maria Clara St., sa Brgy. Acasia bandang alas-5:20 ng madaling-araw kasunod ng ulat na sila umano ang mga bagong nagbabagsak ng ilegal na droga sa siyudad.

Kasama ni Damasco ang dalawa pang suspek nang umaktong customer at umiskor rito ang isang pulis ng P500 halaga ng shabu.

Agad dinamba ng mga pulis ang mga suspek nang iabot ni Damasco sa pulis ang tatlong sachet ng umano’y shabu. Nasamsam sa kanila ang 13.9 gramo ng shabu na may market value na P94,520.00. (Orly Barcala)

Leave A Reply

Your email address will not be published.