Una sa Balita

NHA pumiyok: Pabahay sa Zamboanga tinipid

By
0 1,180

Inamin ng National­ Housing Authority­ (NHA) na pumalpak ang disenyo ng pabahay para sa mga biktima ng Zamboanga siege noong 2013 dahil na rin sa ginawang pagtitipid sa mga materyales na ginamit dito.

Mismong si NHA General Manager Marcelino Escalada Jr. ang umamin nito sa public hearing kahapon ng House committee on housing and urban development na pinamumunuan ni Negros Occidental Cong. Albee Benitez na nag-iimbestiga sa pabahay sa gitna ng mga alegasyon na mga substandard material ang ginamit sa proyekto.

“The present admi­nistration of NHA, with respect to the stilt hou­sing units, we acknow­ledge the fact there is the failure of the design,” paliwanag ni Escalada.

Sa nakaraang pagdinig ng komite ay inamin din ni dating NHA General Manager Chito Cruz na ang orihinal na plano para sa pabahay ay sementado ito ngunit hindi natuloy dahil sa kakulangan anya ng pondo at dahil na rin sa minamadali na maipatayo ang mga bahay para sa mga biktima ng Zamboanga siege.

Binigyang-diin naman ni Benitez na dapat managot ang gumawa ng disenyo para sa pabahay.