NHA, overprice ang singil sa tubig at kuryente

By

Ibinunyag ng grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) ang anila’y overpricing sa serbisyo ng kuyente at tubig sa mga pabahay ng National housing Authority (NHA) sa Caloocan at Bulacan.

Sa kaso ng relocation site ng NHA sa Camarin, Caloocan umaabot umano sa P285 ang singil sa bawat 10 cubic meter ng tubig at P200 naman sa St. Martha’s sa Bulacan.

Mahigit umano sa doble ang nasabing singil kumpara sa Maynila na umaabot lamang ng P97 kada 10 cubic meters.

Kaugnay nito, hiniling ng Kadamay na payagan ang direktang pagpapakabit ng kuryente sa mga may-ari ng pabahay sa halip na idaan sa NHA o sa mga contractor na nagpapatong umano ng mas malaking singil sa public utilities.

Nilinaw din ng Kadamay na hindi sila humingi ng libreng tubig o kuryente, kundi direktang pagpapakabit lamang partikular sa mga relocation site ang kanilang hinihiling.

“Direktag kabit ng linya ng kuryente at tubig ang panawagan ng Kadamay hindi libreng kuryente at tubig. Sa mga relokasyon, karaniwang walang kuryente at tubig. Madalas dumadaan ang linya sa NHA at developer kaya mas mahal ang sigil,” giit ng grupo.

SHARE