Una sa Balita

Ngitngit binuhos ng Gilas sa Ivory Coast

0 870

BUMAWI ang Gilas Pilipinas sa pocket tournament sa Malaga, Spain nang kubabawan ang Ivory Coast 73-64 Linggo ng umaga.

Tinapos ng Filipinos ang training camp sa Spain sa 3-1 win-loss record.

‘Di naharap ng Nationals ang host Spain sa pocket tourney dahil nasilat sa Congo 82-71 nitong Sabado.

Galing sa Congo (102-80) at Ivory Coast (94-83) ang dalawa pang panalo ng Pilipinas sa tune-up games sa Guadalajara.

Kontra Ivory Coast sa pocket­ tourney sa Pabellon Martin Carpena Malaga, nagliyab ng 19 points si Robert Bolick, tumapos ng double-double na 18 points at 18 rebounds si naturalized Andray Blatche.

Nagdagdag ng tig-9 points sina Paul Lee at Japeth Aguilar.

Muli ay siyam na players lang ang nasa rotation ni coach Yeng Guiao, ‘di pa nakalaro si Gabe Norwood na inabot ng mild groin strain sa unang laban kontra Congo.

Sa Martes ay babalik ng Manila ang Nationals, uumpisahan ang huling dalawang linggo ng pukpukang ensayo bago sumabak sa 2019 FIBA World Cup sa China sa Aug. 31-Sept. 15.

May dalawang friendly games pa ang Filipinos kontra NBL (National Basketball League) team Adelaide 36ers sa Aug. 23 at 25. (Vladi Eduarte)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More