Una sa Balita

Ngayon pa lang ang P8 sa jeep

By
0 1

Simula ngayong araw ng Biyernes, Pebrero 10, ay simula na ng pagpapatupad ng P8 na minimum na pasahe sa mga pampasaherong jeep pero walang ibang adjustment sa kada kilometro.

Inaprubahan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang P1 provisional fare increase petition ng iba’t ibang transport group ng public utility vehicle (PUJ).

Reaksyon naman ng ilang mananakay:

JIMMY SERVANTES, 29, vendor, Kamuning, QC — Kahit naman ako magreklamo wala na rin magagawa eh.

VIRGIE GAMO, 23, saleslady, Anonas St. QC — Malaking bagay din po sana na P7 lang pamasahe nakakatipid kahit papano ng piso.