Una sa Balita

‘Ngawa’ ni Abueva miss na ng Phoenix

0 382

RESIGNED na si coach Louie Alas na makakabalik­ pa sa season si Calvin Abueva.

Pero umaasa ang Phoenix mentor na sa susunod na taon ay babawiin na ang indefinite suspension ng The Beast at makaka­laro na ulit.

Noong June ay pinatawan ang The Beast ng indefinite suspension, sinabihang mag-community service at pinagmulta ng P70,000.

Noong nakaraang buwan, idinaan ni Abueva sa Instagram ang public apo­logy sa kanyang ginawa.

Sa midseason Commissioner’s Cup, sinenyasan ni Calvin ng malaswa ang girlfriend ni Blackwater rookie Bobby Ray Parks. Makalipas ang ilang araw, binigyan niya ng matinding­ clothesline ang noo’y import ng TNT na si Terrence Jones.

Sa season-ending ­Governors Cup, 2-7 ang Fuel Masters at nanga­nganib nang mapagsarhan sa quarterfinals.

Buo ang tiwala ni Alas na makakabalik na ang kanyang forward sa susunod na taon.

“We’re expecting him to come back next year, kasi wino-work out niya lahat ng community service niya, lahat ng pinapagawa ni Commissioner (Willie Marcial) ginagawa naman ni Calvin,” paliwanag pa ni Alas pagkatapos ng 97-81 loss ng Phoenix sa Magnolia noong Miyerkoles sa Cuneta Astrodome.

“Hopefully, makita naman nila ‘yun.”

Kulang daw ng komunikasyon sa loob ang Fuel Masters, isang bagay na nami-miss nila kay Abueva dahil siya ang mahilig makipag-usap sa mga kakampi sa court.

“Eh si Calvin, low-batt na siya eh maingay ‘yan. So he will be a big help ‘pag bumalik siya,” giit ni Alas. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy