Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Nganga sa raket: Maja hindi na makakabalik sa ASAP

0 8,935

Tuluyan na ngang namaalam si Maja Salvador sa pagwawakas sa ere ng kanilang Sunday variety show sa TV5, ang Sunday Noontime Live.

Idinaan ni Maja ang pagbabalita sa pagtatapos ng kanilang show, sa tweet. Isang buong season lang o tatlong buwan tumagal sa ere ang programa.

“Maraming salamat po sa inyong lahat na sumusubaybay, sumusuporta at nakisaya sa amin sa isang buong season #SNL. Thank you very much Mr. M sa pagbuo ng show na ito para makapagbigay ng trabaho sa marami at makapagdulot ng saya sa lahat ng mga fans for the past 3 months!” sabi ni Maja.

Hindi pa malinaw ngayon at wala pang update mula kay Maja kung ano na ang susunod nyang trabaho. Nangangahulugan ba itong “nganga” na naman sa karera nya ang aktres?

Ang abangan natin ay kung makakabalik pa siya sa ABS-CBN o ASAP, ha! O mananatili siyang taga-TV5?

May usap-usapan kasi na hindi na makakabalik si Maja sa ASAP, lalo na at hindi naman siya na-miss ng mga fan noong umalis siya roon. Kuntento na raw ang mga fan kay Kim Chiu na linggo-linggo ngang nagbibigay aliw sa pagsayaw, ha!(Rey Pumaloy)

Leave A Reply

Your email address will not be published.