Una sa Balita

NFA umaksyon sa pekeng bigas

By
0 6

Iimbestigahan ng National Food Authority (NFA) ang ulat kaugnay ng kumakalat na pekeng bigas sa mga pamilihan sa Quezon City.

Ayon kay NFA spokesperson Marietta Ablaza, kukuha muna sila ng sample ng inirerekla­mong bigas para isailalim sa pagsusuri ng Food Deve­lopment Center ng NFA.

Batay umano sa reklamo, iba ang lasa ng bigas na nabili sa isang pamilihan sa naturang lungsod, noong iluto na ay mahirap din nguyain dahil parang goma ito sa sobrang kunat.

Matatandaan na nitong nakalipas na taong 2015 ay napaulat din ang pagkalat ng pekeng bigas sa Tanauan, Batangas subalit matapos suriin ng NFA ay napag-alaman na hindi peke ang bigas.

May kumakalat din na video sa internet kung saan ipinakita na matapos lutuin ang pekeng bigas at binilog-bilog ito ay tumalbog nang ihulog sa sementadong sahig.