Una sa Balita

NFA, sinigurong may sapat na bigas ang mga apektado ng ashfall

By
0 321

Inutos ni National Food Authority (NFA) Administrator Judy Carol Dansal sa central office na siguruhing may sapat na bigas sa mga lugar na apektado ng ashfall.

Sa Region 4, may 1.93 milyong sako ng bigas ang NFA habang may 197,000 na sako ng bigas ito sa National Capital Region.

Sa Region 3 naman, may 1.963 milyong sako ng bigas.

Sabi ni Dansal, may skeletal force ang NFA sa central at field office nito pati na sa mga warehouse para mapagsilbihan ang pangangailangan ng mga local government unit, Department of Social Worker and Development at ng iba pang mga relief agencies sakaling kailangan nila ng bigas para sa mga biktima ng ashfall ng Taal.

Ayon kay Dansal, Linggo pa niya ipinag-utos ang 24-hour operations ng NFA.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More