Una sa Balita

NFA rice sa mga supermarket hinarang

By
0 264

HINDI pabor ang National Food Authority (NFA) sa panukala ng Department of Trade and Industry (DTI) na maging sa mga supermarket ay magbenta na rin ng NFA rice at hindi lamang ang mga mahal na commercial rice.

Ayon kay NFA Spokesperson Rex Estoperez ang pampublikong pamilihan ang siyang dapat na prayoridad sa pagbebenta ng murang NFA rice.

“Karaniwan sa mga palengke naman bumili ang ating mahihirap na kababayan ng bigas kaya dun ang ating konsentrasyon,”paliwanag ni Estoperez.

Ipinagtanggol naman ni Trade Secreraty Ramon Lopez ang kanilang hakbang. Aniya, ang nakapagkasunduan sa pagitan ng DTI at Philippine Amalgamated Supermarkets Association (PASA) ay para lamang sa mga accessible na supermarket at hindi sa mga high end na pamilihan.

Sa ganitong paraan umano ay mas maraming makakaabot ng murang bigas, ukol naman sa pa­ngamba na baka sako sako ang bilhin na bigas sa mga supermarket dahil karaniwang may kaya sa buhay ang namimili dito at baka mawalan ang tunay na target ng NFA rice.

Gayunman ay sinabi ni Lopez na lilimitahan naman sa apat kilo ang maaaring bilihin sa mga supermarket.