Una sa Balita

NFA rice naipit sa barko, ­presyo ng bigas ayaw bumaba

By
0 1,815

ISINISI kahapon ng National Food Autho­rity (NFA) sa hindi agarang pagbaba ng bigas sa mga barko kaya hindi pa rin bumaba ang presy­o ng commercial rice sa merkado.

Una nang ipinangako ng NFA na sa oras na dumating ang inangkat na imported rice mula sa Vietnam at Thailand ay hahatakin nito pababa ang presyo ng commercial rice subalit mahigit dalawang linggo mula nang dumating ang inangkat na bigas ay hindi pa rin nararamdaman ng mga mamimili ang pagbaba ng presyo ng commercial rice.

Sa katunayan ay ma­taas pa rin ito na nasa P43 hanggang P45 kada kilo gayong ang suggeste­d retail price (SRP) ng Department of Agriculture (DA) ay nasa P39 kada kilo.

Ipinaliwanag ni NFA Spokesman Rex Esto­perez, na dahil sa sunod-sunod na araw na pag-uulan ay naantal­a din ang unloading ng kanilang mga inangkat na bigas kaya nagiging limitado lamang ang suppl­y sa merkado.

“Hindi nahahatak pababa pa ang presyo pero hindi na tumaas ang p­resyo ng commercial rice,” paliwanag ni Estoperez.

Tiniyak ng NFA na sa oras na maibaba nila ang lahat ng stock sa mga merkado ay magdidikta ito para bumaba ang pres­yo ng commercial rice, lalo umano pagsapit ng Agosto, na ina­asahang darating ang ikalawang batch ng inangkat na bigas.

Siniguro ng NFA na walang pagkukulang sa kanilang supply at mayroon na rin silang b­uffer stock kaya walang dahilan para mag-­panic buying­ ng NFA rice ang publiko.