Una sa Balita

NFA bubuwagin

0 465

Tila bilang na ang araw ng National Food Authority (NFA) at buwagin na ito ng Duterte administration.

Ito ang nabanggit ni Asec Jonas Soriano, taga­pagsalita ng puno ng NFA Council na si Cabinet Secretary Jun Evasco.

Ang pagkaubos ng buffer stock ng NFA sa merkado ay maiuugat sa kabiguan ng ahensiya na bumili ng bigas mula sa mga magsasaka.

Abante Hiring – IT dep

Ayon kay Soriano, may sapat na budget ang NFA para gawin ito.

Aniya, naging inutil na ang NFA at maaaring ili­pat na lamang sa Department of Agriculture (DA) at Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sa ngayon, binabalangkas na ang nakatakdang importasyon ng bigas para maibalik sa merkado ang murang presyo na NFA rice.

BALITAWIT:

PRICE TAG (Jessie J.)

Kay sarap kumain ng rice?
Pero can’t afford the price.
Dahil sila-sila ay nag-aaway.
Ang public ay nadadamay
Hay, bakit ba tayo’y walang bigas,
Ang anihan naman ay kay dalas…

Kahit anong sikap pero kung may kurap
na ang importation nila ay crime
kukurakot sila du’n sa left
kukurakot din du’n sa right
ang wish ko lang
bangungutin sila tonight
Kawatan ng money, money, money

Ay naku kayo ay huling-huli
Mga buwakaw sa pera, Gahaman sa kuwarta
Tigilan niyo na ang magkupit, kupit, kupit
Mga suwapang sa pera, sana kayo’y ma-karma (yeah)

Dati naman ok ang suplay
Puwede pang mag-extra rice
Kita ay maliit pero pasok sa budget
Ngayon ay nakakabuwiset,
Hay, bakit ba tayo’y walang bigas,
Ang anihan naman ay kay dalas…

Kahit anong sikap pero kung may kurap na ang importation nila ay crime
Aangkat sila du’n sa left
Aangkat din du’n sa right.
Magdasal tayo.
Na ma-bondat sila tonight
Kawatan ng money, money, money

Ay naku kayo ay huling-huli
Mga buwakaw sa pera,
Gahaman sa kuwarta
Tigilan niyo na ang magkupit, kupit, kupit
Babaho mga singit, singit, singit…
Mga suwapang sa pera, sana kayo’y ma-karma (yeah)

Kawatan ng money, money, money
Ay naku kayo ay huling-huli.
Mga buwakaw sa pera,
Gahaman sa kuwarta
Tigilan niyo na ang magkupit, kupit, kupit
Babaho mga singit, si­ngit, singit
Mga suwapang sa pera, sana kayo’y ma-karma (yeah)