Una sa Balita

Next Margielyn Didal, hanap ng Go for Gold

By
0 292

TUTUKLASIN ng Go for Gold, sa pakikipagtulungan sa Skateboardin­g and Roller Sports Association of the Philippines Inc., ang posibleng sumunod sa yapak ni Asian Games gold medallist Margielyn Didal at ang magbibigay ng pinakaunang ginto ng Pilipinas sa Olympics.

Ito ay matapos ilunsad kahapon ang 2019 Go For Gold Philippines Skateboarding Regional Championships na tutok sa pagdiskubre ng mga talento at mga batang skater sa isasagawang apat nitong leg sa buong bansa.

Sinabi ito ni Monty Mendegoria, presidente ng Skateboarding and Roller Sports Association of the Phi­lippines Inc., Miyerkoles nang umaga na ang regional championships ay sisimulan sa Luzon leg sa Marso 23-24 sa Iba, Zambales.

“We will look for the best skater­s in the region,” sabi ni Mendegoria. “Marami po kasi ang nagsabi sa amin after na manalo tayo ng gintong medalya sa Asian Games kung bakit basta na lang ipinadala si Margielyn. Kaya po namin ito gagawin para po maipakita na wala kaming masamang intensiyon dahil alam namin maraming talento sa bansa.”

Ang pinakamagagaling mula sa Visayas region ay magsasama-sama naman sa Cebu City sa Abril 6-7 kung saan sasabak ang Asian Games gold medalist na si Didal upang ipakita sa kanya mismong sinilangang lugar at magbigay inspirasyon sa nagnanais na makatuntong sa national team.

“We feel that Margie and the skateboarding team will become our bright lights in the 2020 Olympics, and hopefully they can bring home our first Olympic gold medal,” sabi ni Go For Gold godfather Jeremy Go.

Ang National SEA Games qualifier ay itinakda sa Agosto 24-25 sa Sta. Rosa, Laguna matapos lamang ang labanan sa pagitan ng mga skater­s mula naman sa Mindanao leg sa Mayo 25-26 sa General Santos City.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy