Una sa Balita

Newskupo: Wish ko sa pasukan

By
0 1

Trending ang linyahang Sana Sa Pasukan ng Love Radio this week.

Eto mga sagot ng mga estud­yante at dugtong ko sa mga concerns nila..

SANA SA PASUKAN….

Mababait ‘yung mga bago kong classmates. (Bakit ilang beses ka ba naospital last school year?)

Malipat ako ng section. (Hulaan ko, patay-gutom mga kaklase mo.)

Classmate ko na si crush kaso imposible eh. (Talagang imposible kasi taga-Mars s’ya.)

Maglilinis na ang mga tumatakas na cleaners. (Kapag hindi, sila kalusin mo.)

Magkaklase tayo para mailibre mo ako. (Ayun isa ka pa.)

Ako ang Ace ng Class. (Pabinyag ka uli, papalitan mo ng Ace pangalan mo tapos Hardware apelyido.)

Makabawi ako. (Hmm siguro dami mo bagsak…sad)

Makita ko pa rin s’ya. (Sino? Iyung dagang tumangay ng pandesal mo na may palamang sinangag?)

Makapagbonding kami, kaso tagaibang school siya so shut up na lang. (Ayun naman pala eh nag-aksaya ka pa ng tweet bwiset.)

Mabait teacher namin. (Ah hindi, bawal na raw mabait.)

Magkaroon na ako ng sariling papel. (Wow, dakila na siya.)

Wala munang solving Mathematics para lumigaya ang araw ko. (Okey, wala rin munang grade.)

Madagdagan ang baon ko.(Okey anak mula sa pasukan 2.25 na baon mo, may bente singko sentimos kang increase, ‘wag maselan kung ‘yung Bayan Muna nakakatiis, ikaw pa.)

Makapagtipid pa rin ako kahit madaming tuksong pagkain sa paligid. (Pwede ba, panis nga pinapatulan mo pa rin magtipid? Cmon!)

Happy happy lang. (Ayos pagdating ng finals smiley ang grade.)

Makisama ‘yung buhay ko sa kapayapaan. (Kapayapaan ka d’yan mag-work ka sa St. Peter nang magkaroon ka ng kapayapaan.)

Uso pa rin ang kopyahan. (Mas mauuso ata kasi Duterte na eh ‘yung bagsakan.)

Wala nang magyaya sakin mag-cutting classes. (Oo naman napakahina mo pa naman sa tukso, ‘di ba kahit labag sa loob mo ‘yan? ‘Di ba?)

1K na ‘yung baon ko. (Oo naman may dagdag kang 1K, isang kanin sa baon mo.)

Sipagin ng pumasok ‘yung mga prof namin. (Ayy grabe mga prof talaga, ang tamad?)

Wala akong maging BI na friend. (Wala noh, BI? Siguro NBI meron para maaresto ka na sa pagtutulak mo ng tahong gawa sa kamote.)

Alam mo na difference ng your, you’re; their, they’re! (Okey you’re right!)

Hindi na mawala ballpen ko, lagi na lang ako nawawalan tama na. (Bakit ‘di mo sadyaing iwan ballpen mo pero bago mo gawin sundot mo muna sa butas ng pwet mo, kapag may pumulot nakaganti ka na.)

Halos kalahati ng classmates ko e transferees. (Grabe kakatakot, ano mga ‘yan manananggal, bakit kalahati lang sila?)

Magka-90 man lang ako sa card. (Grade goals that good.)

Wala nang teacher na magtatanong ng “Did you enjoy your summer?” (Wala na rin sanang teacher na ‘di maka-move on at naka-bathing suit pa rin sa school.)

Hindi maubos agad pulbo at pabango ko. (Magdala ka kasi ng kalburo para pag may nanghingi magmukha siyang sidewalk.)

Related Posts

Magtino na ‘yung mga bulakbol. Kapal nang mukha ninyo, palamunin na nga, kayo pa ‘yung maraming reklamo sa eskwela. (Aruy sakit mo magsalita ah parang ‘di mo sila barkada.)

Pwedeng matulog pag boring ‘yung subject. (Pwedeng-pwede pero kapag nahuli ka ‘wag kang umasang magigising pa ang grade mo ha.)

Walang papel si crush. Para humingi siya sa akin at doon magsisimula ang love story naming. (Hahaha aral muna bago landi.)

Wala nang pa-sosyal. (Meron pa ring mga mapagkunwari pag-uwi naman ng bahay, ulam toyomansi.)

Less assignments more baon. (Eh kung more assignments laba uniform, linis banyo, saing bigas, para may dagdag baon pwede?)

Umakyat man lang ‘yung rank ko. (Unahin natin height mo kapag umakyat na malamang kasunod nun ranggo.)

Walang pumasok. (Kakaiba wish mo ah, sa pasukan wala sanang pumasok, hala sige dun ka sa sulok!)

Wala nang project na floorwax. (Hmm project bunot naman.)

May chicken skin na sa canteen. (Ayan d’yan ka magaling kaya ka ginagalis.)

Libre pagkain sa canteen. (Hala may genie kang friend?)

Mas malaki na baon ko. (Sure bibili kita mas malaking lunch box pero sang pirasong tuyo pa rin ulam ha.)

Matuto ng mag-stay ang mga ballpen. Bagung-bago pa lang, iiwan ka na. (Ay grabeng ballpen ‘yan ha paasa.)

No introduce yourself please. (Hahaha pasensya na standard procedure ‘yan napaka-anti social mo naman.)

Ikaw ang magde-decide kung kailan gusto mo pumasok. (Tama! Tapos ang school ang magde-decide kung tatanggapin ka pa tuwing maiisipan mong pumasok.)

Walang plastik, maarte, malandi, at pabebe. (Malas mo naman pala daming laman-lupa sa inyo.)

Malinis na CR. (Oo naman siguradong lilinis ‘yun nakita ko una ka sa listahan ng maglilinis ng CR eh.)

Wala nang bullies. (Sumbong n’yo kay Duterte.)

Top 10 pa rin ako. (Ay malamang hindi na kasi eleven na raw kayo sa klase eh.)

May itlog na ‘yung kwek-kwek nila sa canteen. (Dati kasi puro harina? Sa umpisa akala mo itlog ng pugo nilagay pero kapag naubos mo na umasa ka lang pala.)

Walang VACATION ESSAY. (Oo nga para namang may paki si Teacher sa mga ginawa n’yo nu’ng bakasyon.)

May gwapo kaming prof. (Tsk nagkalat na talaga malalandi, aral muna bago landi please.)

Pogi na ‘yung katabi ko hahaha maharot! (Alam kaya ng Nanay mo na ganyan ka kakiri?)

Makabili na ng pad paper ang mga classmates kong buraot. (Budburan mo kasi ng bubog ‘yung papel mo.)

Hindi na’ko mawalan ng libro. (Hindi na, may CCTV na school kaya lang sira raw.)

Wala na’kong sipsip na classmates, para fair lahat ng labanan sa grades. (Tama.)

May grades na rin ‘yung recess, dun lang kasi ako magaling eh, ang kumain, panigurado perfect 100 ‘yung makukuha ko.(Aba mahusay!)

Pwede ng magdala ng cellphone at may free wifi sa school. Sigurado walang aabsent. It should be legalized. (Aba! Mahusay din!)

Hindi na overpriced ‘yung canteen ni Manang. (Puro ka kasi kay Manang eh kapresyo n’ya kaya ulam sa Dusit.)

***

Email: marclogan10@yahoo.com