Una sa Balita

NEWSKUPO!: Tuwing umuulan

By
0 281

Tuwing umuulan at kapiling ka… kantang sikat noon. Ngayon iba-iba na ang naiisip ng tao at ginagawa tuwing umuulan alamin natin ang kanilang pakiramdam at naiisip gawin kapag umuulan dahil kahapon maulan.

Tuwing umuulan…

Nakakatamad talagang kumilos kapag umuulan. 

Mas okay kapag umuulan kase ‘di mainit. 

Si Regine Velasquez talaga naaalala ko lagi kapag umuulan. Hahaha

Nakakatamad talagang kumilos kapag umuulan, plus hinihila ka pa ng strongest magnet in the world (bed). 

Masaya ako kapag umuulan kasi ang lamig, pero hindi sa maaaring epekto nito sa ibang lugar. 

Sarap talaga kumain nang kumain kapag umuulan.

Kapag umuulan bumubuhos ang langit

Kapag talaga ganitong maulan,

napapahanap ka bigla ng jowa eh.

Masarap mag kapag gantong umuulan

Masarap matulog kapag umuulan parang naka-aircon kami hahah

Bakit nga ba traffic at mahirap sumakay kapag umuulan?

Boring kapag umuulan, pero masarap matulog malamig. 

Ugh!!! Ayoko na ‘di na ko lalabas kapag umuulan hahahaha 

I usually love the rain, pero ibang usapan na kapag brownout. Juskopo. Napakainittttt kahit umuulan! 

Gusto kong umuulan kapag nasa bahay lang pero kapag nasa galaan ako hindi ko gusto kasi naman ung sapatos ko madudumihan hahaha

Nakaka-stress at sobrang nakakapagod talagang mag-commute lalo na kapag umuulan 
Ako lang pala happy kapag umuulan

Hirap bumiyahe kapag umuulan. ‘Di mo makita ‘yung daan.

Ang sarap uminom ng malamig na beer kapag umuulan 

Bakit hindi ako mapakali kapag umuulan?? Help 

Ngayon umuulan malungkot kasi si bato bakit? Hindi na kasi si Angel Locsin ang Darna. 

Sobrang relax sa feeling kapag umuulan na gabi. ‘Di ba!!

Bakit kapag umuulan ang sarap magkape? Hahahaha

Bakit kaya sa pelikula kapag umuulan, sinasabayan ng iyak ng mga bida.

Ako lang ba o mas mahirap talaga i-deny at i-ignore ang lungkot kapag umuulan

Parang ang sarap uminom kapag umuulan

Kapag umuulan, dalawang emosyon lang ang mararamdaman mo. Masaya at malungkot lang

Kapag umuulan…

NOON: Umiiyak si papa Jesus 🙁

NGAYON: Umiiyak ‘yung Goblin 🙁

Bakit kapag me sinampay ako umuulan? Nakakaiyak ha! Sayang effort ko sa paglalaba 

Sarap maghayag ng feelings kapag umuulan

Naalala ko nu’ng bata pa ako kapag umuulan, sumisigaw ako ng “iyuran mo! ikasil mo!” tapos takbo kami lahat sa bukid. Hay, childhood days.

Sana payong na lang ako para kapag umuulan pag sisisihan mong iniwan mo ko

Ang sarap mag-chill kapag ganitong umuulan. Kain, tulog, movies sana.

Gusto ko kapag ililibing ako umuulan tsaka lahat gamit black na payong.

Kapag umuulan bumubuhos ang langit sayong mga mata…. kapag may unos ay aagos ang luha ngunit ‘di ka mag­iisa….

Siyempre, saka ako mag-lalaba kapag umuulan. para may thrill

Kapag umuulan talaga ang sarap magemote charot

Ano ang masarap gawin kapag umuulan?

Kapag umuulan si Goblin ang naiisip nila, ako si Miho kasi umiiyak siya. 🙁

Sarap kumanta kapag umuulan. Ikaw lang kasi nakakari­nig sa sarili mo. ‘Yung dati kapag umuulan na may araw ibig sabihin may kinakasal na tikbalang ngayon umiiyak na si goblin

Ang pangarap hinde parang sinampay na tinatago kapag umuulan na. Bawasan natin Excuses Bes!

Kapag ganitong umuulan masarap magbukas ng bintana kasi malamig. Pero delikado dahil sa nag liliparan na ipis. 

Tumal kapag umuulan walang tambay

Kapag umuulan ng maghapon. Sabayan mo, matulog ka rin maghapon.

Masaya ako kapag umuulan, ito kasi ‘yung mga panahong nilandi ko ang napangasawa ko. 

Kapag umuulan kahit maaraw:

Noon: May kinakasal na piritay/Engkanto

Ngayon: Malungkot ang Goblin

Ang sarap kumain ng mani kapag garineng umuulan lalo’t maalat-alat at maanghang. 

Kapag umuulan ang sarap
matulog
mag-movie marathon
magkape
kumain ng lugaw
kumain ng lomi/mami
sa iyong tabi

Tip daw para mgkaroon ng oppa: 

‘Wag ka raw magdadala ng payong kapag umuulan para may mag payong sayo 

Matatawag na bang isang bayani ang isang tao kapag sinasamsam niya na ‘yung mga damit habang umuulan?

Dahil sa pagkanta mo umuulan na ang sinampay ko hindi matutuyo kapag nagpapatugtog sumayaw na lang wag na mag-sing

Kapag umuulan pagpasensyahan niyo na si Goblin ko ah? Baka nagkatampuhan kami, moody ‘yun eh.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy