Una sa Balita

NEWSKUPO!: Sana

By
0 8

Sana, sa wikang Ingles eh Wish sana naging ganito ako sana naging ganu’n ako. Mga simple o kumplikado mang kahilingan ng mga tao kadalasan eh sana naging mayaman ako o kaya naman sana naging lalaki o naging babae ako. Mga ganu’n.

Para bang buryong na sa kanilang mga pagkatao at sawa na sa kanilang mga karanasan kaya naman sumisingkaw sa kanilang isipan ang salitang “Sana”.

Kung anu-ano ang kahilingan nila at ilan dito ang ating ibabahagi sa inyo. Nagtataka lang ako ni isa walang nagsabi na Sana magkatotoo ‘yung salitang sana. Narito na ang ilan sa mga sana ng mga netizens…

Abante Hiring – IT dep

Sana naging patatas na lang ako para hinuhugasan mo ang putik na kinasadlakan ko. (wow ha) 

Ang ganda naman ng damit mo sana naging damit ka na lang

Nasasaktan pa rin naman ako kaya lang masaya ka na nang wala aq kahit habang ngumingiti ka umiiyak ako..sana naging ganyan ka no’ng tayo pa..

Sakit naman nu’n dami ko raw alam sana naging google na lang ako.
Sana naging video post na lang ako, para like mo rin ako.
Sana naging “Mahal kita” na lang ang meaning ng Friend.

Sana naging magnanakaw na lang ako, para kahit papaano, maranasan ko rin ang mahabul-habol.

Sana naging jacket mo na lang ako. Para kahit minsan alam kong napoprotektahan kita.
Sa lamig na iyong nararanasan nu’ng iwan ka niya.

Sana naging relo mo na lang ako. Para kahit minsan alam kong lagi mo akong tinitignan.
Sana naging cellphone na lang ako na lagi mong hawak.

Minsan ang sakit-sakit na pero kinakaya ko pa rin kaya pinagdasal ko sana naging bato na lang ‘tong puso ko..

Sana naging paniki na lang ako para okay lang magpuyat.
Sana naging pangarap mo na lang ako, madali lang naman ako maabot.
Sana naging bola na lang ako, para kasama mo ko ‘pag nag­lalaro ka.

Sana naging cellphone mo na lang ako. Para kahit anong mangyayari ‘di mo ko makakalimutan..

Sana naging damit na lang ako para kahit minsan, i-try mo rin ako kung bagay ba ako sa’yo.
Sana naging robot na lang ako para ‘di ako nakaka-feel ng ganitong sakit.
Puro ka salita. Sana naging dictionary ka na lang.

Sana naging ibang tao na lang ako para kung gusto mong maggala sasama ka agad. 🙁

Sana naging bag mo na lang ako para kahit saan ka magpunta naroon na lang ako palagi para habang buhay akong nasa tabi mo.

Sana naging PAYONG na lang ako, para kapag umulan pagsisisihan mo na INIWANAN mo ko.
Sana naging totoo na lang ang forever.

Sana naging DAMIT ka na lang. Para ‘pag nagsawa sila sa’yo, ako na naman ang sasalo. ‘Di baleng Ukay-Ukay. Basta Okay-okay pa naman!

Sana naging hashtag na lang ako, haha para trending ako. 
Ganda ng puwet mo, sana naging puwet ka na lang.

Sana ikaw na lang ang naging gripo at ako ay timba para kapag napuno ako patayin na lang kita.

Sana time traveler na lang ako para kahit anong oras kaya kong balik-balikan ‘yung mga panahong naging masaya tayo.

Sana naging aso na lang ako para makagat na kita…(:) ­awww 

Ang sweet mo sa’kin. Ang sweet mo sa kanya. Ang sweet mo sa kanila. Sana naging dessert ka na lang.

‘Pag ako naging Presidente ng PILIPINAS, gagawin kong humps sa kalsada ang mga haliparot! #SANA

Sabe ko sayo, ‘pag naging tayo. Entrance ng mall lang ang makakapaghiwalay saten. #Sana
Pst! ‘Di man ako ang taong pinapangarap mo. Ako naman ang taong bubuo ng pangarap mo ‘pag naging tayo. #Sana

Sana naging hangin na lang ako, padaan-daan lang. Tatawagin lang pag may kailangan:(

Sana naging jelly fish na lang tayo, para puwede tayong tumagal hanggang forever! 😀

Sana naging facebook na lang ako para walang araw na ‘di mo ko hinanap at maya-maya chinecheck mo ang status ko.

Sana naging issue na lang ako sa Failon Ngayon  para puwede kong sabihing, “Sa akin, MAY PAKIALAM ka!”