Una sa Balita

NEWSKUPO!: Pwede Bang?

By
0 3

Ang dami nating kahilingan ‘di masiyahan kahit pa may unli rice, unli load, unli Meralco, unli ­Nawasa. Ang mga gusto natin ay unli­mited talaga.

Laging Pwede Ba ang ating dinurugtungan, kahit pa imposible, katwiran ay libre naman daw ma­ngarap at humiling.

Ito man ay may kinalaman sa nararamdaman sa ibang tao, pagmamahal sa pamilya, o kahit na wala lang…

Alamin natin ­mula sa hashtag na pina-trending ni ­Hugot Queen kung anu-ano ang ilan sa mga binahaging kahilingan ng ating mga netizens.

Eto na…

Pwede Bang Everything is perfect and everything is real.
Pwede Bang wala munang quizzes, activities, assignments, exams, bukas?
Pwede Bang wala na lang thesis, exams, quiz, seat works, assignments etc?
(Grabe ‘to magkasunod na tamad! Hoy mag-aral nga kayo!)

Pwede Bang mag-fast forward? Gusto nang makapagtapos ng pag-aaral. I want all these requirements, researches and other school works done! (Ay ayun ang isang dedicated sa pag-aaral.)

Pwede Bang stop spreading false stories (a.k.a. fake news).
Pwede Bang mag-teleport anytime anywhere. (Sige unahan­ mo ‘yung MRT.)

Pwede Bang umulan ng pera because my wallet is dry. (May nakaharang na payong?)
Pwede Bang kumain nang kumain pero ‘di tataba?

Pwede Bang wala nang visa sa South Korea?
Pwede Bang magkaroon ng unli allowance?

Pwede Bang lahat ng nakikita ko sa mall libre?
Pwede Bang tigilan mo na katangahan mo? Hindi ikaw nasa puso niya.

Pwede Bang sa huling pagkakataon, sabihin mong mahal mo ako? At sa huling pagkakataong ‘yun sasabihin ko na ring mahal kita.

Pwede Bang magkaroon ako ng one year supply ng doughnuts, pizza and fries? (Pwede naman basta may pambayad ka sa mga ‘yan sa loob ng isang taon.)

Pwede Bang tigil-tigilan mo na ang pagpapantasya sa crush mong hindi mapapasaiyo?

Pwede Bang makalimutan ko na lahat ng sakit at maghilom na lahat ng sugat na meron ang puso ko.

Pwede Bang ‘wag kang paasa?
Pwede Bang mawala ang mga prof na nanghuhula ng grade?

Pwede Bang paggising ko instant payat na ako. (Di matulog ka nang two years.)
Pwede Bang tumaba na ako. (Di kumain ka nang two years.)

Pwede Bang stop being so full of yourself. Not everything is about you. (Mahal na mahal ba ang sarili?)

Pwede bang gumamit ng shampoo ang kalbo? (Sige ‘yung may anti-dandruff ha.)
Pwede Bang magselos kahit walang tayo..
Pwede Bang Landiin mo ko crush!!

Related Posts

Maharlika

Bawat araw

Pwede Bang pag-ibig na lang ang maghari sa mundo? (Buuin mo na ‘yung kanta nahiya ka pa.)

Pwede Bang mag-time travel? (Sige dalhin mo ‘yung wall clock niyo sumakay ka sa bus.)

Pwede Bang ako naman? Ako naman ‘yung makaranas ng pagmamahal na ibinibigay mo sa kanya?

Pwede Bang pagkagising ko may amnesia na ako? Para makalimutan ko lahat ng sakit?
Pwede Bang magbigay ng komento sa Social Media nang hindi naba-bash.

Pwede Bang ‘wag mo kong gigisingin kapag tulog ako? Sarap ng higa ko tapos gagambalain mo ‘ko?

Pwede Bang mabuhay sa mundong ito nang hindi nahuhusgahan.
Pwede Bang ‘wag mong kunin ‘yung pagkain ko? Bumili ka ng sarili mo pisti ka.

Pwede Bang maalala niyo ako kahit wala kayong kailangan?
Pwede Bang maging faithful ang mga lalaki?

Pwede Bang pagbukas ko ng wallet, may 10k na ako?
Pwede Bang maglaho ka na lang bes? Kairita ka eh sa tuwing nakikita kita.

Pwede Bang lahat ng expectations magkatotoo na lang? No more stress no more heartbreak no more disappointments.magkatotoo na lang? No more stress no more heartbreak no more disappointments

.Pwede Bang Unli food + WiFi + Comfy Bed + Aircon + Kdrama. (Kinain kasi unli food plus Sistema kasi K Drama equals Kinain ng Sistema.)

Pwede Bang 6 months ang school days tapos 6 months din ang summer break? Para fair…

Pwede Bang ang speed ng internet ay kapareho sa speed ng internet ng NASA.Pwede Bang mamatay lahat ng ahas?

Pwede Bang ipa-‘liposuction’ ang mga sipsip?Pwede Bang mag-extra rice kung kanin lang ang in-order?

Pwede Bang maglipat ng planeta?

Pwede Bang ‘yung parehas na paasa sila na lang ‘yung magkasama?

Pwede Bang ipagbawal ang nagsasawa?

Pwede Bang ‘wag kang tirador ng magbe-bestfriend?

Pwede Bang manapak ng tao ngayon. Like hardcore until I make their nose bleed.

Pwede Bang tama na sa pagpapakilig sa akin?

Pwede Bang itigil na natin ang lokohan na ‘to?