Una sa Balita

NewsKuPo!: Please appoint me more!

By
0 44

Sagarin na natin ang mga paramdam ng mga Madlang Netizens na mag-apply ng trabaho sa gobyerno ni Pangulong Duterte. Warning Biru-biruan lamang po ito. Narito ang ibang panawagan Dear Digong, appoint me please, kung saang mga posisyon alamin natin… Pokemon Go!

President magaling ako maging tulay para magkatuluyan ang mga tao pwede na ba ako sa DPWH.

Bet ko palagi sa awrahan ang mga bagets so pwede na ako sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Lagi po akong may pinaglalaban, pwede po ba ako sa Department of Justice (DOJ)?
Sa dami ng hirap at sakit na pinagdaanan, eto humihinga pa din. Any position in The Lung Center of the Phil.?

Mahilig din ako tumikim ng pinya, I think pwede na din ako sa DOLE!!

Naniniwala po ako sa forever. Pwedeng-pwede po ako sa PAGIBIG.

Mahilig naman akong humopia at umasa, pwede na ko sa PAGASA.

Pa-fall man daw ko. Basig pwede ko sa Philippine Airforce?

Madalas po ako OT. Pwede na ako sa Department of Labor.

‘Yun ex ko po, pinag­laruan lang ‘yung puso at feelings ko, bagay na bagay sa Philippine Sports Commission.

Madalas po ako iwan sa ere, pwede na po ako sa Air Force.

Gumawa ako ng tulay para magkatuluyan sila, DPWH for me please?

Edu Manzano for Department of EDUcation!

Kahit hindi na kami pinagkakagastusan ko pa din siya. Pwede po ba ako sa Department of Budget and Management?

Ang tanaw ng mga kaibigan at boyfriend ko sakin ay isang financer. Pede po ba akong ma-appoint sa Dept. of Finance?

Mahilig po akong mag-lakwatsa kung saan-saan. Pede na po ba akong ma-appoint sa Department of Tourism?

Nature lover ako, pwede na ako maging Sec. ng Department of Environment and Natural Resources.

Mahilig po akong kumain!

I nominate myself for National Food Authority secretary!

Magaling akong tumiming sa pagmamahal. Titimingan ko ang pagmamahal… ng mga bilihin sa DTI.

Marami na po sumuko sakin, pwede na po ako sa PNP?

Kahit saang Department & anong Position nalang po. Tutal, ‘di ko naman alam kung san ako lulugar eh.

Lagi naman akong pinagpapalit, eh. Pwede na ba ko sa Department of Trade & Industry?
I nominate Vhon, Vhong, Bhoy, Jhon as Dept of H!

Mabilis po ako mag-move on. Pang-Department of Transportation.

Natuto na ako na ‘wag mag-fall kaagad sa mga crush ko. Pwede ako as Secretary of Education.

Malakas ako maghilik gabi-gabi.. Please appoint me as Commissioner of COMHELEC!

Mapanghusga akong tao, pwede na ko as chief justice.

NA ADIK NA AKO SAYO eh!!! Philippine Drug Enforcement Agency PDEA NA BA?

Sa sobrang daming umaasa, crowded na sigu­ro sa office ng PAGASA.

I nominate my ex to be part of the DENR, hahanapin daw niya kasi sarili niya mahilig ata siya mamundok.

Tatay Digong tumutubo po ang pimples sa mukha ko…baka pwede na ako sa Dept. of Agriculture

Nahuli ko ‘yung ex ko na may nilalanding iba, can you appoint me as the Chief of CIDG?

‘Pag na apoint ako sa DepEd, magkakaroon ng subject about “moving on.” Tapos ituturo ‘yun sa mga heartbroken.

Dahil ang mga babae pabago-bago ng isip, baka pwede ako sa Climate Change Commission?

Kahit sa National Library or National Museum okay na ko. Senior Citizen na po.

Tutal mahilig ka naman mang-iwan, I nominate you as the Commissioner of the Bureau of Immigration

Mahilig po akong sumulat ng Tula at kwento… pwede na po ba akong taga-gawa ng SONA.

Sanay na sanay na po ako sa pakikipagbalyahan sa MRT. Puwede na ako sa Dept. of National Defense.

Lagi akong nakaupo ‘pag basketball game, baka pwede akong i-appoint na governor ng bangko sentral pilipinas

Lagi ako inuutos ni nanay, pwede na ba ako sa Department of Labor?

Malakas putok ko. Pwede ba ko sa PHILVOLCS?

Mahilig po ako mag-rearrange ng furniture sa bahay, may opening pa ba sa Dept of Interior & Local Government?

Si Bessy, lahat na lang ng sa akin… Inangkin! Feeling ko swak s’ya sa Mining.

Hayop sa appeal. So, pwede na ako sa Bureau of Animal Industry. Pwede na rin sa Court of Appeal, sir.

‘Yung asawa ng friend mo na lahat na lang ibinahay, Pwede na din siguro sa Housing.
Lagi na lang po kami nagtuturuan, pwede na po ba kami sa DepEd?

Maraming nagsabing “mahangin” daw ako. So pwede ako maging Chief ng Air Force of the Phi­lippines.

Okay lang po ba mag-apply sa pag-ibig, kahit walang ka pag-ibig.

Hindi po ako napapagod magmahal. Pwede na po ba ako sa Department of Energy?

Pwede din sa Civil Aviation Authority. Kaya ko din naman maging civil sa kanya kahit iniwan ako sa ere.

Mr. President sanay na akong tumulong with nothing in return. Sanay na akong ayusin ang durog kong puso. DSWD please!

Sanay naman ako na iniiwan sa ere. Pwede siguro ako sa Air Transportation Office.

‘Yung nanay ko po sobrang lakas ng boses n’ya pag nagsesermon… pwede xa maging House Speaker!

Nung grade 2 ako nakapagtanim ako ng mong­go plants. Kaya ko na siguro sa Department of Agrarian Reform.

‘Yung mga laging lutang pwede na kayo sa Hukbong Dagat ng Pilipinas!

I nominate @aizaseguerra 2 head d Ms Universe commission. She has d experience being Ms. Little Philippines herself.

Dear ex, nako ‘wag ka magpapa-appoint sa DOJ. Ako nga ‘di mo kayang paglaban eh, bansa pa kaya. Don’t me.

This is hilarious, kailangan na rin magkaroon ng Department of Entertainment.

Pwede niyo po bang i-hire as DBM Secretary ang isa kong kuripot na kaibigan?

I love shopping so sa Department Store ako.

Inaamin ko ADIK ako pero ‘wag n’yo ako papatayin dahil never ako manlalaban! Ok ako sa Bureau of Food and Drugs (BFAD).

Sa 911. Okay lang kahit marami prank calls, sanay naman ako lokohin.

Sa DPWH. Lilinisin ko EDSA para sa mga naghihintay sa tunay na pa-ibig. Sabi kasi ni Lola na-traffic lang.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy