Una sa Balita

NewsKuPo!: Nakakatakot

By
0 133

Ano bang moment sa’yo na nakakapanindig balahibo, nakakakaba, nakakakabog at nakakatakot. May iba’t ibang sagot sa nakakatakot na­ting dugtungan. Ang iba medyo seryoso sila, ang iba naman nakakatawa…

Kaya eto na ang ating dugtungan sa linyang NAKAKATAKOT KAPAG…
Kapag napahiya ka sa harap ng maraming tao..
Kapag maririnig mo ‘yung pangalan mo dun sa nag-a-announce sa sementeryo.
Kapag natutulog ka tapos ‘di ka makagalaw.
Kapag binuksan mo ‘yung wallet mo, wala na agad laman after sahod.
Kapag nai-send mo kay mama/papa ‘yung text mo na para kay boyfriend mo.
Kapag 2 months ka nang hindi nagkakaron.
Kapag teacher ka tapos pinatawag ka sa Principal’s office.
Kapag hanggang ngayon wala pa rin ‘yung allowance mo.
Kapag nasa isang madilim na kwarto, tapos may maririnig kang nakakatakot na tunog sa tv.
Kapag kala mo may multo na sa likod mo pero wala naman.
Kapag mag-isa ka tapos na ccr ka hahahha katakot.
Kapag nakita mo ako na kasama ko ulit ‘yung EX ko.
Kapag nararamdaman mong malapit ka nang ma-fall.
Kapag natatae kana tapos walang banyo.
Kapag may pagkain ka tapos dumating mga kaibigan mo.
Kapag naliligo ka tapos biglang nag-brown out.
Kapag si nanay nagalit kay bunso, lahat damay sa sermon niya.
Kapag may pampa-tattoo ka pero wala ka pambili ng cotton buds at nail cutter?
Kapag may biglang kumalabit sa’yo tapos ikaw lang mag-isa.
Kapag wala na talagang makain! ‘Yun ang pinaka-nakakatakot sa lahat.
Kapag may mga lasing na nag-aaway sa dadaanan mo.
Kapag nakikita ko ‘yung mukha mong halipa­rot kang ahas ka narurumi ako sa’yo.
Kapag hindi mo nasagot tawag ng tatay mo
Kapag puro palakol grades mo hahahaha!
Kapag nakikita ko mukha n’yang masarap itapon.
Kapag matagal na kayo tapos magsasabi na lang s’ya bigla na “I’m sorry, I had enough. Let’s break up.” scary, if you’re a moody gf.
Kapag may naniningil ng utang sa inyo tapos wala ang mama mo.
Kapag hinabol ka ng nanay mo ng sinturon
Kapag wala na ‘yung pagkain na nilagay mo sa ref
Kapag naiwan mo ang cellphone mo na walang password.
Kapag nalaman mo na hindi ikaw ang dahilan ng saya niya.
Kapag naubos ‘yung pera at ‘di mo alam kung bakit biglang naglaho.
Kapag lumipat ‘yung mukha mo sa kapatid mo.
Kapag hindi na siya nagpaparamdam.
Kapag nahuli ako sa’min na girlfriend din hanap ko.
Kapag nag-away ‘yung magulang mo, hindi mo alam kung maghihiwalay na
Kapag gising mo sa umaga walang pagkain sa mesa .
Kapag a-uno because that’s when mails with bills (utilities, condo dues, credit card) come.
Kapag binalikan nu’ng asawa ‘yung nitso, may narinig siyang kumakalabog.
Kapag nabuksan mo ‘yung cam tapos nakaharap sa’yo
Kapag naiwanan mo ‘yung wallet mo sa taas n’yo pero wala pala ka­yong 2nd floor
Kapag ‘yung mahal mo may nilalandi ng iba.
Kapag titingin ka sa salamin tapos makikita mo mukha mo.
Kapag ‘di mo makita ‘yung kasama mo sa gabi.
Kapag ‘di mo nasasagot tawag ng gf mo… mas malala pa sa world war 2!
Kapag hindi mo alam kung may ‘kayo’ ba. Mahirap lumugar.
Kapag may nagparamdam sa’yong kakaiba. Pero mas nakakatakot kapag hindi na nagpaparamdam si crush.
Kapag pinagpalit ka n’ya sa mukhang luma.
Kapag mag-ccr ka sa gabi tas kakatapos mo lang manood ng horror movies.
Kapag mag-isa ka sa bahay n’yo at may narinig kang tumawang sanggol at naalala mo wala kayong baby sa bahay n’yo
Kapag nasa bahay lang magulang n’yo, kasi holiday. Dami na namang utos.
Kapag iniwan ka sa altar tapos sumama sa iba ‘yung pakakasalan mo.
Kapag late ka na sa klase mo tapos nagpa-gas pa ‘yung driver ng jeep.
Kapag ang sagot ng friend mo sa kung saan na s’ya ay, ‘Papunta na ako’
Kapag nagpadala ka sa mga sweet words niya at bigla nalang siya hindi magpaparamdam.
Kapag walang sinaing tapos nagwawala na ‘yung mga bulate mo sa tiyan.
Kapag na-delay ‘yung reply mo ng 5 minutes iisipin niya agad may iba ka na & worst baka hiwalayan ka pa, abnormal talaga mga babae!
Alam mo ‘yung nakakatakot ‘yung pagtingin mo sa kisame may ipis. Pero ang mas nakakatakot kapag nawala at bigla na lang lumipad palapit sayo.
Kapag may nagsabi sayo ng “may itatanong ako sayo.. wag ka maga­galit ah?”
Kapag naghihilamos ka sabay napapikit tapos imagination takes place.
Kapag inubos ng mga bisita niyo ang crispy balat ng lechon baboy.
Kapag nakakita ka ng multo, ‘yung multo ng nakaraan mo na pilit na nakikipagbalikan sayo.
Kapag hindi ako kumain, mukha na akong bangkay
Kapag GUMANDA si mukhang PAA!
Kapag natae ka tapos wala pa lang tubig. Tapos may nakatok na sa pinto. Gosh!
Kapag hindi ka na tumangkad
Kapag ginalit mo tatay mo. Tumakbo ka na!
Kapag mag-isa ka sa ospital with creepy sounds!
Kapag naputulan na pala kayo ng wifi.
Kapag may manika sa bahay niyo tapos mag-isa ka lang wihoo wihoo wihoo!

***

E-mail: marclogan10@yahoo.com

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy