Una sa Balita

NEWSKUPO!: Fake news!

By
0 26

Kaliwa’t kanan hindi mo na maintindihan kung ano ang paniniwalaan. Ganito kalala ang fake news. Nakaka-stress lalo na kung ikaw mismo ang biktima nito.

At habang nagtatagal ang pagkahuma­ling ng mga tao sa social media, lalong mas nakakabahala.

Kaya naman narito ang sinasabi ng ating mga netizens kaugnay pa rin sa feke news o pekeng balita. Nawa’y ‘di kayo mabiktima.

Katangahan niyo ‘yan. ‘Di niyo alam fake news sa totoo? Kahit sinasabihan na kayo? Ngal­ngal lang. Wala kayong magagawa.

Ay grabe fake news ‘yan mama nag-aaral po kaya ako. Nag-aaral ako pano lumandi gahd
Sabi nila, “Things happen for a reason.” Fake news ‘yan.

Hala, san mo nasagap ‘yan? fake news ‘yan

‘Yung mga magaling gumawa ng istorya, i-submit niyo na ‘yan sa ABS baka makuha pa kayong writer. Fake news nga lang lols

Fake rice… ang tagal ng issue na ‘yan… so many people fall for fake news… whatever happened to independent res…

Si Sec. Judy nagpapakalat ng fake news. Hindi daw totoong may namatay sa evac center. ‘Yan ang tinatawag na, “Nila­mon ng sistema.”

Anlaki na nang problema pagdating sa mga fake… fake friends, fake news at fake rice.

Kapag may nag-comment sa’yo sa Facebook na gumanda o gwumapo ka, maniwala ka FAKE NEWS ‘yan.

Totoo ‘yan, magulang ko din eh. Lalo na sa fesbuk. Tapos ang dali rin nila maniwala sa fake news lintek ‘yan.

Me: *talks about health of Duterte*

Family members: Fake news ‘yan! Wag ka magpapaniwala sa social media!

Dami kong tawa sa headline Nadine buntis hahaha wish nga namin ‘yan haha kaso fake news hahaha

‘Yang DOH na ‘yan nagpapalabas ng fake news about va­ping may 7K chemicals daw ba eh ang ingredients naman ng juice is foods grade hayss

Itong mga kapitbahay ko always panic buying ng FAKE news. Masama ‘yan. That’s hoarding!
I dare you to give me a source. ‘Yung hindi fake news ha. Kasi kung tsismis lang ‘yan eh bakla ka na, intrigera ka pa.

Sabi ng DOT they are not changing the slogan.

Fake news ‘yan! Ano ‘yung awra? ‘Di ko nga ‘yun alam eh. Enlighten me.
‘Pag nainsulto sila sabihin Fake News! ‘yan naman answer nila sa lahat!

Fake News po ‘yan. Magagalit si ate Mocha. hahaha

Sa totoo lang, sila din nman ang gumawa at nag-‘create’ ng fake news na ‘yan. Planado nila ang lahat… strategy…

Please lang kasuhan n’yo ang mga nagkakalat ng fake news. ‘Pag hindi naparusahan ‘yan, mamimihasa sila.

Mananapak na’ko ng nagkakalat ng fake news, isa pa ha!

Ayaw na ayaw ko ‘yang mga fake news na ‘yan. Nagmumukhang tanga kapag napaniwala.

Tama at super bilib sila sa mga edited fake news hahahaha dapat ‘yan ang ikulong
Legit ba ‘yan o chismis lang? Sino source? Bawal mag-spread ng fake news ah. It causes panic

‘Yung mga Fake news na ‘yan na nire-relate lagi sa politika lahat ng nangyayari, badtrip.

Dito lang sa gobyernong ito, lumala ang fake news!

‘Yung crush mo hindi naniniwala sa feelings mo pero nagpapaniwala sa fake news. Huwag mo nang gawing crush ‘yan, hindi ka naman fake eh.

Pero sabi ng iba malandi daw ako. Fake news po ‘yan friendly lang ako no

Imbes na tumulong, malicious elements continue to ma­nufacture fake news. ‘Wag pa-fall sa fake news, paaasahin ka lang, ‘di naman pala totoo.

You’re not bothered if what you share is fake news. Epekto ba ‘yan ng COPY-PASTE nu’ng student ka pa?

Kapag pangit ang pagkaka-layout at ang pagkaka-quote ay tunog jeje, malamang fake news ‘yan…

Hindi ko alam kung ano ang mas nakakasuklam, ang mag-share ng fake news o ang mag-like ng fake news. Pero sigurado akong kabobohan ‘yan!

Kagigil ‘yang mga fake news na ‘yan. Tapos puro mga ignorante pa ang makakabasa, patay tayo diyan.