Una sa Balita

NewsKuPo!: Digong please appoint me…

By
0 4

Box Office sa social media ang hashtag na #DutertePleaseAppointMe sa araw na nag-viral din at mega-trending ang pangalang Mocha Uson at umano’y appointment nito bilang Social Media Consultant ng Bureau of Customs na pinabulaanan naman ng BOC. Mga netizens naman ang nagpa-trending ng aplikasyon nila sa mga posisyon sa gabinete at sa gobyerno ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte. Sina­sabi nila ang kanilang kakayahan at ang posisyong sa akala nila na sila dapat ang maupo. Wala lang, super laugh trip ‘to!

Narito na ang panawagang “Duterte Please Appoint Me…”

Isang beses na nga lang sa isang linggo kami mag-usap ng BF ko. Tinitipid n’ya pa ‘ko. Pwede na ba s’ya as Budget Secretary?
Ako po nagko-collect ng sharing sa inuman, pwede na po ako sa Department of Budget and Management.
Best in Science po ako noong elementary, pwede po ba ako sa DOST?
I’m  a certified  movie  addict. Pwede ako sa MTRCB.
I nominate Nanette Inventor as head of Dept. of Science & Technology.
Marunong po akong makipag-usap sa mga hayop. Pwede na ba akong secretary for PAWS?
I used to help my high school teacher in checking test papers. Pwede po ako sa Bureau of Corrections?
I believe I am fit for a position in PAGASA, `coz I still believe in US.
Lagi ko pong pinaglalaban ‘yung mahal ko. Pwede na po ‘ko sa Department of National Defense.
Sabi ng babaero kong ex, magaling daw akong manghuli at mag-imbestiga, pwede po siguro akong maging chief ng NBI.
‘Yung tatay ko maraming ka-affair sa ibang bansa. So pwede na ba siya sa Department of Foreign Affairs?
Magaling mag-spot ng mga gwapong foreigner. Tapos na­ngangarap maging kanila. Siguro DFA keri ko na.
Magaling po ako mag-sales talk, pwede ako sa Department Store.
Mahilig po akong magbulakbol, pwede na po siguro ako sa Department of Tourism (DOT).
I have SO MANY plastic friends, I could be the OIC of Solid Waste Management Office.
Sanay ako na umasa. Qualified na Chairman sa PAGASA.
Sabi ng mga friends ko ang dami ko daw alam. Baka pwede na ako maging secretary ng DepEd.
Adik ako sa kanya noon. At adik pa rin ako sa kanya hanggang ngayon. Baka pwede ako sa PDEA.
Suportado ko ang mga magsasaka dahil lagi akong umoorder ng EXTRA RICE, pwede na ako sa Dept. of Agriculture.
Naturuan ko na po ang puso kong magmahal muli, appoint me sa Dept. of Education.
‘Yung ex mong defensive bigyan na ‘yan ng position sa Department of National Defense.
Pang-Secretary of the Department of Agriculture levels na pagtatanim ko ng sama ng loob.
Palagi akong sumusugal sa pag-ibig. Pwede na ba ako sa PAGCOR?
Until now ‘di pa rin nakakamit ng mga iniwan, niloko pinaasa ang hustisya. Paglalaban ko ‘yan. Pwede ako sa Dept. of Justice.
Binaon ko na po siya sa limot. Pwede na po ba ‘ko sa Dept. of Agriculture?
Sanay na po akong maging tulay at daan para sa ibang tao. Pwede na po ba ako sa DPWH?
Mahilig akong kumain ng seafoods, pwede yata ako sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources?
Mahilig po siyang gumawa ng kwento at mag-drawing. Pwede ba po siyang head ng National bookstore?
Marami po akong kilalang nagwo-walk. Pwede na po kaya sila sa Department of Tourism?
Marami po akong kilala na batang pumapatol sa matatanda. Pwede na po ba ‘ko sa DSWD?
‘Yung ex ko po andaming kinakalinga at sina-subsidize na babae. Pwede na s’ya sa PhilHealth.
Sana kahit itong PAG-IBIG man lang ibigay n’yo sa’kin.
Palagi po akong inuutangan ng mga kaibigan ko. Baka pwede po ‘ko sa Department of Finance.

***

Tsika na marclogan10@yahoo.com