Una sa Balita

NewsKuPo!: Ano ang nakaka-stress sa’yo?  

By
0 127

Wala sigurong tao ang hindi nai-stress. One way or another nakaranas na ang bawat isang tao ng pagka-stress, kahit mga baby marunong ma-stress ‘yan, ‘yung hindi lang sila mabigyan ng gatas eh stressed na ang mga bebe. Kaya ang tanong, ano sa’yo ang nakaka-stress?

Sagot: Nakaka-stress ‘yung…

‘Yung weekend tas ala kang pera.

‘Yung mga FB status na puro away.

‘Yung sunud-sunod ‘yung quiz, hahaha.

‘Yung ang tagal n’ya mag-reply.

‘Yung kalandian n’ya.

‘Yung kinakalimutan mo na nga maya’t maya naman nilang pinapaalala.

‘Yung lesson sa math nakakaloka.

‘Yung adviser namin ang bilis magturo.

‘Yung taba ko.

‘Yung may kaibigan kang plastik.

‘Yung mga naka-choker na mukhang aso.

‘Yung mga tao ngayon, ‘di mo alam kung sino ‘yung mga totoong tao, at ang mga nagpapanggap na tao.

‘Yung mabagal ang net dito sa ‘Pinas.

‘Yung movie na pinanood ko, 1hr and 40 mins lang, inabot ng 3hrs!! Ehh pa’no nagba-buffer…bwiset.

‘Yung sasabat agad na ‘di ka pa tapos mag-explain. Walang manners, kaloka.

‘Yung traffic at gobyerno.

‘Yung mga elementary pa lang fumo-forever na hahaha kainis.

‘Yung tanong ng tanong, alam naman ‘yung sagot kaimbyerna.

‘Yung uniform ko ‘di na kasya.

‘Yung ang excited mong mag-break tapos pinag-o-OT ka pala.

‘Yung kain, tulog, twitter, sound trip = repeat.

‘Yung mga taong mapagpanggap.

‘Yung when your heart says yes but your mind says no.

‘Yung mga lamok mahal na mahal ako.

‘Yung parang nanghehele Prof n’yo. Nagpapatulog, ganern.

‘Yung mismong Prof eh ‘di maintindihan lesson niya.

‘Yung mga chismosa sa tabi.

‘Yung ka-abnoyan ng bf mo.

‘Yung may pasok ka pa bukas pero heto mag-a-alas-dos na ng umaga gising ka pa rin.

‘Yung madaling-araw na pero ‘di ka pa rin dinadalaw ng antok.

‘Yung alam mong ‘di niya naman ginagawa pero ‘di ka pa rin satisfied.

‘Yung iyo s’ya sa umaga, pagdating ng gabi may kahati ka na.

‘Yung mag-isip ng kakainin.

‘Yung pagmumukha mo! Hard ba? Wala eh kasing-hard ng pagmumukha mo.

‘Yung gusto mong pumayat pero ‘di mo mapigilang kumain.

‘Yung ikaw ‘yung nag-aayos ng problema ng ibang lovelife hahahaha.

‘Yung signal dito samin boset hahaha tuwing madaling-araw lang, ‘di tuloy ako nakakapag-net.

‘Yung gusto mo nang mag-move on pero parang ayaw mo. Ewan.

‘Yung hindi mo alam saan ka mag-uumpisa.

‘Yung group project pero ikaw lang kumikilos.

‘Yung antok na antok ka na tas sobrang tagal n’ya pa mag-reply.

‘Yung hindi mo alam kung sino sa kanila pipiliin mo.

‘Yung nag-uninstall ka tapos ‘di mo na ulit mai-install.

‘Yung problemang hindi naman dapat pinoproblema.

‘Yung mga taong palaging naninira sa’yo.

‘Yung nag-follow sa’yo tapos nu’ng tapos ka na mag-follow back after how many minutes in-unfollow ka na.

‘Yung katabaan ko.

‘Yung pahabol days hahaha.

‘Yung pusong ‘di sumasang-ayon sa isip!

‘Yung mga pimples na tumutubo sa mukha ko.

‘Yung Red days!

‘Yung text ka ng text tapos walang reply. Patayin kita eh.

‘Yung gusto mo mag-recite kaso nahihiya ka.

May gusto ka i-chat kaso ‘wag na lang kasi alam mo namang ‘di ka n’ya gustong kausap.

‘Yung pagiging leader sa mga major subjects.

‘Yung palagi na lang wala s’yang pake.

‘Yung ikaw na lang ang wala pang lovelife.

‘Yung mga kaklase kong pabebe!

‘Yung kaibigan mong wagas makapalo kapag kinikilig.

‘Yung wala nang pagkain sa ref.

‘Yung gusto mo ng umuwi kaso megatalkshow pa si mama with her amigas. Kalurks!

‘Yung tropa na akala squad goals dahil perfect, ‘yun pala nagsisiraan, sarap paghahampasin ng cactus e.

‘Yung PANCIT CANTON ngayon.

‘Yung ang sarap-sarap ng tulog tas gigisingin ka kasi tanghali na raw pero 7am pa lang, susko.

‘Yung wallet mo na laging walang laman.

‘Yung mga taong walang magawa kundi mangialam ng buhay ng iba.

‘Yung marami kang haters, tapos ‘di ka naman sikat or artista…

‘Yung mga batang pinoproblema ‘yung lovelife kesa sa mga assignments n’ya.

Haba ng pila sa MRT.

‘Yung phone mong mabilis ma-lowbat.

Para sa akin ang pinakanakaka-STRESS, ‘yung leader ng grupo, kailangan mo kasing magsabi ng kwak kwak kwak.

***

Tsika na marclogan10@yahoo.com

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy