Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

New Zealand paramdam agad

0 170

INILAMPASO ng New Zealand ang India, 101-46, sa simula ng 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers, Huwebes sa Smart Araneta Coliseum.

Mainit ang pagsisimula ng Tall Blacks sa torneo na kasalukuyang mangunguna sa Group A na may 1-0 card.

Bumida para sa New Zealand si Tom Vodanovic na may 21 points, Ethan Rusbatch na kumana ng 18 markers at Rob Loe na pumoste ng double-double 15 points at 10 rebounds.

Nag-ambag rin sa panalo ng Tall Blacks si former DLSU Green Archer Taane Samuel ng limang puntos at tatlong rebounds.

Unang yugto palang ay nanalasa na ang New Zealand, 32-8, laban sa India.

Tinambakan pa ng Tall Blacks ang kalabang panig sa third quarter, 70-35, at hindi na lumingon pa.

Sunod na makakabangga ng New Zealand sa darating na Linggo ang Gilas Pilipinas. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.