Una sa Balita

New York nabulabog ng 3 inabandonang rice cooker

0 295

DALAWANG oras na isinailalim sa alerto ang New York habang nasa rush hour nitong Biyernes nang umaga dahil sa tatlong suspicious object na natuklasang mga rice cooker na walang laman.

Unang pinatunog ang alarma sa Manhattan dakong alas-siyete nang umaga matapos makita ng isang pasahero ang iniwan na cooker sa Fulton Street Subway Station malapit sa World Trade Center na pinabagsak sa pag-atake ng mga terorista noong Setyembre 11, 2001.

Ang ikalawang rice cooker ay nakita naman sa ibang panig ng parehong istasyon.

Agad na nagsagawa ng evacuation ang mga awtoridad at sinuspinde ang serbisyo ng dalawang subway line, habang ang isa pang linya na nagseserbisyo sa Fulton Street ay pinalalagpas sa station.

Matapos makumpirma na walang bomba ang dalawang abandonadong rice cooker, isa pang suspicious object ang natuklasan naman sa 16th Street sa Chelsea District na isa rin palang rice cooker.

Sa ginawang pagsusuri sa security footage, nakita ang isang lalaki na nag-iwan ng dalawang rice cooker sa magkahiwalay na lugar sa Fulton Street. Hindi pa makumpirma kung siya rin ang naglagay ng ikatlong rice cooker sa 16th Street.

Matatandaan na sa Chelsea sumabog ang pressure cooker na naglalaman ng homemade explosive device na ikinasugat ng 31 katao noong 2016.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy