Una sa Balita

New People’s Army sumuko sa Nueva Vizcaya

By
0 329

SUMUKO ang 27 miyembro ng New People’s Army (NPA) matapos makubkub ng mga Phi­lippine Army ang kanilang kampo sa bundok ng Ambaguio, Nueva Vizcaya noong Lunes.

Ayon kay PA 54th Infantry Batallion commanding officer Lt. Col. Narciso Nabulneg, Jr., ang mga rebelde ang kusang sumuko sa militar at lokal na gobyerno ng Ambaguio matapos mabawi ang kampo ng mga rebelde sa nasabing bayan at parte ng Asipulo, Ifugao.

Isinuko rin ang matataas na uri ng ba­ril na kinabibilangan ng isang M-16, isang carbine at isang converted M-14 rifle.

Sa ngayon, ayon kay Nabulneg, Jr., umaabot na umano sa 136 ang bilang ng mga sumukong rebelde sa tropa ng 54th Infantry Batta­lion na kinabibilangan ng 14 regular NPA, 100 militia ng bayan at 22 NPA supporters.

Nakatakdang big­yan ng pinansiyal na tulong ng pamahalaan ang mga sumukong rebelde upang makapagsimula ng panibagong buhay.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy