Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘New normal’ survival kit dapat laging bitbit

0 657

Ang mga tao ngayong pandemic ay may kanya kanyang sinusunod na ‘new normal’ na pamamaraan upang makaiwas sa coronavirus.

Hindi nawawala ang alcohol/sanitizer at face mask ng mga taong madalas lumabas ng kanilang mga bahay na naniniwala na kapag mayroon sila nito ay protektado na sila sa virus.

Ibinahagi ng United States Centers for Disease Control and Prevention ang ilang mga nakalap nilang payo mula sa ilang mga taong madalas na nasa labas upang lalong maging protektado sa COVID-19.

Kapag may sakit ay manatili muna sa bahay. Gamitin ang mga serbisyo sa online.

Related Posts

‘Realidad’

Duyan

Kapag maggo-grocery, dapat maging sensitibo at gawin ang pagsusuot ng face mask, social distancing, disimpektahin ang shopping cart, gamit ang disinfecting wipes. Iwasang hawakan ang mata, ilong, bibig, kung maari, gumamit ng hindi na hinahawakan sa pagbabayad.

Kung kailangan mong hawakan ang pera, card, o keypad, gumamit ng hand sanitizer pagkatapos magbayad at umalis ng tindahan. Hugasan ang iyong mga kamay gamit ang sabon at tubig ng hindi bababa sa 20 segundo kapag nakauwi na.

Ngunit ano ang dapat na dala sa “new normal” survival kit, ilan sa mga tugon ng madalas lumabas ngayong ‘new normal’ bilang protekyon sa coronavirus, ay alcohol, face mask (mas mainam na may pamalit), face shield, plastic na maaring paglagyan ng pera na gagamitin sa pamamalengke at lalagyan ng sukli, guwantes.

Kailangang dalhin lamang ang mga gamit o anumang bagay na nahuhugasan at ang mga hindi nahuhugasan ng sabon o spray ay iwan na lang sa bahay. (Mina Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.